
Kabilang sa inaabangang digital series ng GMA Public Affairs na In My Dreams ang Kapuso actor na si Juancho Trivino. Ang nasabing serye ay pinagbibidahan ng Sparkle sweethearts na sina Sofia Pablo at Allen Ansay.
Dito ay gaganap si Juancho bilang isang psychology professor na tutulong kay Sari (Sofia Pablo) na intindihin ang kanyang mga kakaibang panaginip.
Ayon naman kay Juancho, proud siya sa narating ng mga karera nina Sofia at Allen sa kabila ng maraming pressure na kanilang natatanggap.
Aniya, “As someone who also grew up in the industry na pinagdaanan ko 'yung youth oriented shows, I'm really proud of them kasi 'yung mga naaabot ng mga career nila, hindi biro 'yung pressure din na natatanggap nila and all the outside voices."
Pero bukod sa teamwork ng young love team, may nakita rin daw si Juancho kina Sofia at Allen.
“Ang nakikita ko sa kanila that they're really grounded pa rin and they're very respectful and I wish them the best sa mga future project nila,” saad niya.
Iikot ang kuwento ng In My Dreams sa business student at No Boyfriend Since Birth o NBSB na si Sari na ginagampanan ni Sofia, at kay Jecoy na binibigyang buhay naman ni Allen.
Upang maibsan ang kanyang kalungkutan sa realidad ng buhay, nakabuo ng bagong mundo si Sari sa pamamagitan ng lucid dreaming kung saan niya nakilala si Jecoy. Sa kanyang panaginip, pawang kasiyahan lamang ang kanyang nararanasan kasama si Jecoy.
Hanggang panaginip na lamang ba ang love story nina Sari at Jecoy? O may pag-asa pang magtagpo muli ang kanilang mga landas sa totoong buhay?
Mapapanood ang In My Dreams ay ngayong Abril sa lahat ng GMA online platforms.
SILIPIN ANG BEHIND THE SCENES PHOTOS SA TAPING NG IN MY DREAMS SA GALLERY NA ITO: