GMA Logo Sanya Lopez
What's on TV

Sanya Lopez, may bagong karakter na dapat abangan sa 'In My Dreams'

By Jimboy Napoles
Published May 10, 2023 3:03 PM PHT
Updated May 30, 2023 12:16 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Chile votes in presidential race expected to lurch country to the right
Visually impaired soldier promoted from captain to major
Farm to Table: (December 14, 2025) LIVE

Article Inside Page


Showbiz News

Sanya Lopez


Abangan si Sanya Lopez sa kanyang bagong exciting role sa digital series na 'In My Dreams.'

Matapos gumanap bilang si Hara Urduja sa mythical series na Mga Lihim ni Urduja, mapapanood naman ngayon ang aktres na si Sanya Lopez sa inaabangang digital series ng GMA Public Affairs na In My Dreams.

Ang nasabing series ay pinagbibidahan ng Sparkle sweethearts na sina Sofia Pablo at Allen Ansay.

Ayon kay Sanya, kakaiba ang karakter na gagampanan niya ngayon sa In My Dreams, dahil kung dati ay siya ang binibigyan ng kapareha, ngayon ay siya naman ang magiging daan ng pagtatagpo ng mga bida.

Aniya, “Medyo kakaiba ang role ko dito sa In My Dreams. Usually kasi ako 'yung mina-match sa partner pero dito ako ang magiging means para magkaroon ng something sina Allen at Sofia.”

Nagbigay din ng opinyon ang aktres tungkol sa chemistry ng mga bida sa series na sina Sofia at Allen.

Kuwento niya, “Maliit pa lang si Sofia nakikita ko na siya sa GMA and I can say na mahusay talaga siya at promising. Si Allen ganun din. Bagay talaga silang dalawa at may rapport ang loveteam nilang dalawa.”

Ang In My Dreams ay may tema ng romance-magic realism na tungkol sa lucid dreaming. Mapapanood ito ngayong May 18 sa lahat ng GMA online platforms.

SILIPIN ANG NAGING LAST DAY OF TAPING NG IN MY DREAMS SA GALLERY NA ITO: