Showbiz News

Barbie Forteza at David Licauco, thankful sa suporta ng fans sa kanilang love team

By Jimboy Napoles

Patuloy pa rin ang pagpapakilig ngayon ng tambalang BarDa nina Barbie Forteza at David Licauco simula sa kanilang teleserye, pelikula, at iba't ibang brand endorsements.

Sa Fast Talk with Boy Abunda kamakailan, binalikan nina Barbie at David ang ilan sa mga hindi nila malilimutang pangyayari kasama ang kanilang fans.

Kuwento ni Barbie, “Last year po nagkaroon kami ng fans day na super na-touch kami not just to the fans who came but also to Sparkle kasi Sparkle po ang nag-organize po ng event na 'yun.

“So, sobrang na-touch po kami and ang daming pumunta na mga kaibigan namin. Nakakatuwa dahil ang saya nung buong event. It did not feel like work even for the both of us. Ang saya lang. Ang chill ng buong event.”

Dagdag naman ni David, “I think 'yung nagpa-block screening sila ng movie. Tapos may mga kumakanta. Tapos may ibang mga tao na talagang lumipad from Davao, from different parts of the Philippines. I remember naiyak ako e, kasi parang grabe 'yung effort.”

Sa parehong interview, tinanong din ng batikang TV host na si Boy Abunda kung paano dinadala ng BarDa love team ang demands ng kanilang fans.

Tanong ni Boy, “How do you handle the demands of your followers?”

Unang sumagot si Barbie. Aniya, “Ako po na-a-appreciate ko po na sinusuportahan nila kami ni David as a team and siguro para sa akin ang natutunan ko po siguro sa isang taon na maging mag-love team namin ni David is not to get drowned in those demands kung baga talagang just keep doing what you're doing.”

Dagdag pa ng aktres, “Minahal naman na kami ng kung ano kami e, knowing [the realities]. Walang dapat magbago.”

Sumang-ayon naman si David sa sinabi ni Barbie.

“Hindi namin hiningi pero kusa nilang binibigay ang suporta. Unconditional. Wala naman silang ine-expect na anything e. These pictures, for them to see us, they were so happy already,” anang aktor.

RELATED GALLERY: Barbie Forteza and David Licauco's year of kilig moments


Samantala, nagsisimula na rin ngayon ang taping nina Barbie at David para sa kanilang bagong serye na Pulang Araw kung saan makakasama nila ang kapwa Kapuso stars na sina Sanya Lopez at Alden Richards.