Showbiz News

Barbie Forteza, minalditahan si David Licauco noon sa isang audition?

By Jimboy Napoles

Very sweet na sumalang for the second time sa Fast Talk with Boy Abunda ang Team BarDa na sina Barbie Forteza at David Licauco nitong Lunes, February 12.

Dito ay game na ikinuwento ni David sa batikang TV host na si Boy Abunda ang nangyari sa una nilang pagkikita ng aktres na si Barbie.

Ayon kay David, una silang nagkaroon ng close encounter ni Barbie nang mag-audition siya noon bilang isa sa mga magiging leading man ng aktres sa 2017 Kapuso series na Meant To Be.

Aminado ang aktor na-intimidate talaga siya noon sa Kapuso actress. Aniya, “I just remember na sinabi sa akin ng handler ko at that time, na mag-o-audition daw ako kasama si Barbie Forteza and at that time Barbie is already like on top of showbiz na. Sikat na siya no'n so medyo nakaka-intimidate naman talaga.”

Kuwento pa niya, “So, pagpasok ko ng [audition room] naalala ko pa sabi kasi roon parang kailangan ng Chinese guy and then when I enter the room nakita ko si Barbie parang nakaka-intimidate naman talaga.”

“Anong sabi ko sa'yo no'n?” nagtatakang tanong ni Barbie.

“I mean gets ko naman na pagod ka na kasi ang dami mo nang naka-audition. Normal naman 'yun kahit naman siguro ako 'di ba?” ani David.

“So suplada ako? Hindi ko kasi maalala,” natatawang sinabi ni Barbie.

Sagot naman ni David, “I think so. Maybe. Maybe I'm just overthinking din na parang baka ang pangit ng ipapakita ko kasi medyo overthinker ako.”

“So ano nga ang sinabi ni Barbie?” pag-uusisa ni Boy.

“Hello, ang cute mo naman. 'Di joke lang,” birong sagot ni David.

“Wala akong sinabing ganun,” pabirong depensa naman ni Barbie.

Paglalahad pa ni David, una pa lang ay naramdaman niyang hindi siya matatanggap sa audition.

Aniya, “Wala. Wala talaga hindi ko alam mga pinaggagawa ko no'n. Sabi ko, sure ako 'di ako makukuha rito.”

Suporta naman ni Barbie kay David, “Pero to be fair, first audition. First-ever audition niya 'yun, Tito Boy.”

RELATED GALLERY: Barbie Forteza and David Licauco's year of kilig moments

Samantala, nagsisimula na rin ngayon ang taping nina Barbie at David para sa kanilang bagong serye na Pulang Araw kung saan makakasama nila ang kapwa Kapuso stars na sina Sanya Lopez at Alden Richards.