Showbiz News

Barbie Forteza, full support kay David Licauco sa kanyang surgery para sa sleep apnea

By Kristian Eric Javier

Full support si Barbie Forteza para sa nalalapit na surgery ng kaniyang Pulang Araw co-star na si David Licauco para sa sleep apnea. Nakatakdang sumailalim sa radiofrequency ablation ang aktor sa katapusan ng Abril.

Sa interview nila kay Lhar Santiago sa 24 Oras, inihayag ni Barbie ang kaniyang kahilingan na maging maganda ang resulta ng nalalapit na operasyon ni David.

“I'm hoping for his improvement para hindi na rin siya gaanong ma-challenge when it comes to working late or having to wake up early,” sabi ng aktres.

Samantala, hindi na rin umano makapaghintay ang tinaguriang Pambansang Ginoo na maging okay siya matapos ang surgery. Ayon sa aktor ay naaapektuhan na nito ang kaniyang personal na buhay at mental health.

“I just want to do it. I just want it to be over, again, to live my best life,” ani ng aktor.

BALIKAN ANG WELL WISHES NA NATANGGAP NI DAVID NANG ISAPUBLIKO NIYA ANG KANIYANG SLEEP APNEA SA GALLERY NA ITO:

EMBED: https://www.gmanetwork.com/entertainment/celebritylife/health/16860/david-licauco-binaha-ng-well-wishes-matapos-mag-update-sa-kanyang-sleep-apnea-condition/photo?amp

Noong 2023 nang aminin ni David ang kondisyon niyang sleep apnea sa publiko. Ayon sa aktor, nagsimula ito noong 16 years old siya, at nagtuloy-tuloy na hanggang kasalukuyan.

“'Yung sleep apnea, basically, my breathing stops. It's about thirty seconds straight about 24 times in an hour when I'm sleeping obviously,” pagbabahagi niya sa isang eksklusibong panayam ng GMANetwork.com.

Ilan umano sa sintomas ng sleep apnea ay pagiging iritable, daytime drowsiness, at fatigue dahil sa kakulangan ng tulog.

Noong nakaraang taon din ipinaalam ni David na kinokonsidera na niyang magpaopera para sa kaniyang kondisyon. LINK:

Ayon sa Mayo Clinic, ilan sa mga procedures na pwedeng gawin sa mga may sleep apnea ay pagtanggal o pagpapaliit ng tissue sa lalamunan, nerve stimulation, at jaw repositioning.

Samantala, kahit nalalapit na ang operasyon ni David at kakagaling lang nila ni Barbie sa naganap sa Sparkle Goes to Canada Tour ay tuloy-tuloy pa rin ang taping nila para sa Pulang Araw.

Katatapos lang umano kunan ng mga eksena para sa introduction to war kaya naman, magiging mas mahirap na ang mga eksenang kukunan nila. Kasama nila Barbie at David sa serye sina Alden Richards at Sanya Lopez.

“I'm always very excited to work with a lot of good actors,” sabi ni Barbie.

Panoorin ang buong interview nila dito: