Showbiz News

'Uminit 'yung mukha ko!' - Lovi Poe on #BagyongMillet

By SAMANTHA PORTILLO


 
Noong Lunes, naging usap-usapan ang 23 sunud-sunod na malalakas na sampal na pinadapo ni Maricel Soriano sa mukha ni Dingdong Dantes sa Ang Dalawang Mrs. Real. Damang-dama ng lahat ang hagupit ng bagyong Millet.
 
Ayon sa ulat ng 24 Oras, trending sa Pilipinas at Worldwide ang hashtag na #BagyongMillet. Pati mga celebrities, affected sa mga sampal kay Dingdong. Nag-tweet pa sina Regine Velasquez at Pia Magalona tungkol sa mga intense na eksena sa GMA Telebabad series.
 
Matapos naman kuhanan ang sampalang eksena, mismong si Maricel ang umalalay kay Dingdong at nilagyan siya ng ice pack sa mukha para hindi mamaga ang kanyang mga pisngi. 
 
Maging ang karakter ni Lovi Poe na si Shiela, nakatikim na rin ng katarayan at mga sampal ni Millet sa episode kagabi. 
 
Ayon kay Lovi, masakit masampal pero proud siya dahil itinuturing niya raw ito na kakaibang experience. 
 
“It was a strong slap and after noon, siguro adrenaline pa ‘yung… wala pa akong nararamdaman. During the scene, I was crying, but then after, noong nag-cut na and then nagpre-preview na kami, doon ko na-feel na uminit ‘yung mukha ko,” anang Kapuso leading lady.