Showbiz News

The 'StarStruck' fever is on!


Daan-daang kabataan ang dumagsa GMA Network Center over the weekend para sa pamimigay ng application forms at audition sa Starstruck 6.

Bagama’t hapon ang nakatakdang pamimigay ng application forms noong Sabado, September 6, tanghaling tapat pa lang ay mahaba na ang pila sa gilid ng GMA Annex building.

Hindi ininda ng mga kabataan ang tindi ng init ng araw hanggang hapon.

Ayon sa ilan, gusto nilang subukang maipakita ang kanilang mga talento samantalang ang iba naman ay nais daw mag-artista para makatulong sa kanilang mga magulang.



Nagsimula ang audition sa hapon ng September 7.

Samantala, sa programang Startalk, nilinaw ng GMA Network na walang nagre-recruit ng contestants via social media para sa Starstruck 6