GMA Logo Marian Rivera
Source: marianrivera (TikTok)
What's Hot

Marian Rivera releases 'Balota' video entry in latest Tiktok transformation challenge; features theme song from 'Pulang Araw'

By Jimboy Napoles
Published October 9, 2024 10:50 AM PHT
Updated October 9, 2024 4:50 PM PHT

Around GMA

Around GMA

'Short-lived' La Niña to affect PH until early 2026 —PAGASA
4 hurt in Maguindanao del Sur explosion
A for A On Playlist

Article Inside Page


Showbiz News

Marian Rivera


Papasok ba si Marian Rivera sa hit series na Pulang Araw?

Isang kakaibang makeup transformation video ang inilabas ni Kapuso Primetime Queen Marian Rivera sa social media nitong Martes, October 8.

Ipinakita niya rito ang kaniyang deglamorized look bilang si Teacher Emmy na kaniyang karakter sa pelikulang Balota, na mapapanood na sa mga sinehan sa bansa simula October 16.

Ang nasabing video ay bagong TikTok challenge na simulan ng aktres.

Ang mas nagpa-intense ng naturang TikTok challenge ay ang theme song ng hit family drama series na Pulang Araw, ang “Kapangyarihan” na inawit ng Ben&Ben at ng SB19.

@marianrivera Ilabas ang iyong “inner” Teacher Emmy! Ang pinakabonggang transformation na pipiliin ko ay isasama ko sa premiere night namin sa October 11. G? #Balota #MarianRivera #NewChallenge ♬ original sound - Marian Rivera

Sa comments section, maraming netizens ang nagsabi na bagay din kay Marian ang maging bahagi ng nasabing serye.

“Parang bagay si Ms. Marian sa Pulang Araw,” komento ng isang fan.

“Marian should be in Pulang Araw as well!!!” dagdag pa ng isang netizen.

“Akala ko teacher Emmy bagong character sa Pulang Araw,” mensahe pa ng isa sa fans ng aktres.

RELATED GALLERY: Cinemalaya 2024 Best Actress Marian Rivera is full of gratitude

Sa panayam kamakailan sa Head Writer ng Pulang Araw na si Suzette Doctolero sa Updated with Nelson Canlas, sinabi nito na isa si Marian sa una niyang naisip na gumanap sa serye.

Ang role ni Kapuso Primetime Princess na si Barbie Forteza bilang si Adelina Dela Cruz ang siyang dapat na magiging papel ni Marian, pero hindi ito natuloy dahil sa naging development ng kuwento.

Nabuo ni Suzette ang konsepto ng Pulang Araw taong 2012 kung saan kasalukuyang umeere pa ang epic series na Amaya na pinagbidahan din ni Marian.

Paglalahad ni Suzette, “Naikuwento ko sa kaniya, tapos gustong-gusto niya na gawin niya 'yung Pulang Araw at the time, kaya lang 12 years ago na 'yun. Hindi niya natuloy at the time pa dahil nga too costly.”

Dagdag pa niya, “Andodoon na rin 'yung love story, 'yung unang ginawa kong story ay kwento ng isang pag-iibigan ng dalawang lahi na sinira ng giyera. Part na siya ngayon ng kuwento ng AdeShi, ni Adelina at ni Hiroshi.”

Samantala, sa recent episodes naman ng Pulang Araw, napanood ang mas komplikadong sitwasyon ng mga bidang sina Eduardo, Adelina, Teresita, at Hiroshi, na ginagampanan nina Barbie, Sanya Lopez, David Licauco, at Alden Richards. Ito ay dahil sa masasamang hangarin ng mananakop na Hapones kabilang si Col. Yuta Saitoh na binibigyang buhay ni Kapuso Drama King Dennis Trillo.

Samantala, wagi naman bilang National Winner sa Best Promo/Trailer category ang Pulang Araw sa prestihiyosong Asian Academy Creative Awards 2024. Bukod dito, nominado rin ang nasabing hit family drama ng GMA bilang Best Soap/Telenovela sa Venice TV Awards 2024.

Patuloy na subaybayan ang Pulang Araw, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. pagkatapos ng 24 Oras sa GMA Prime.