advertisement
Showbiz News

TINGNAN: Pinoy celebrities, pinairal ang bayanihan sa gitna ng COVID-19

1 of 21

Manny Pacquiao

Nakiisa ang Pinoy boxing icon na si Senator Manny Pacquiao sa Chinese business magnate na si Jack Ma sa pagdo-donate ng 50, 000 COVID-19 test kits para sa bansa.

2 of 21

Bela Padilla

Sinimulan ng aktres na si Bela Padilla ng isang online fundraising campaign na tinawag niyang "Pagkain Para sa Pinoy." Layunin nitong makalikom ng PhP 1 million na kanyang ido-donate sa mga small-time vendor. Sa kabutihang palad, nakalikom ito agad ng mahigit PhP 3 million dalawang araw matapos ilunsad ng aktres ang fundraiser.

3 of 21

Pokwang

Sa kanyang simpleng pamamaraan, namahagi ang komedyanteng si Pokwang ng tuna sandwiches bilang pasasalamat sa mga pulis at sundalo na naka-destino sa lockdown checkpoints sa Metro Manila, at health workers na frontliners sa pagsugpo ng pagkalat ng COVID-19. Nagbigay din siya ng kilu-kilong bigas sa kanyang komunidad.

advertisement
4 of 21

 Vicki Belo

Idinonate ng medical group ng celebrity surgeon na si Vicki Belo ang natirang stocks nila ng personal protective equipment (PPE) sa ilang ospital at health centers. Sa kanyang Instagram post, inanyayahan din niya ang ibang beauty and wellness centers na gawin ang hakbang na ito.

5 of 21

Aivee Teo

Namahagi ang celebrity dermatologist na si Aivee Teo ng libu-libong facial masks para sa health workers at ilang niyang kababayan. Ayon sa kanyang Instagram post, patuloy pang lumilikom ang kanyang team ng mga facial mask at disinfectant, na ipamamahagi ng kanyang team sa mga susunod na araw.

6 of 21

Kara David

Nagbigay ang batikang journalist na si Kara David ng pagkain, libro, at hygiene kits sa ilang stranded na estudyante sa isang dorm sa UP. Bukod pa rito, namahagi rin siya ng 200 washable face masks at alcohol sa household helpers, street sweepers, security guards, grocery workers, at vegetable sellers sa loob ng UP campus.

advertisement
7 of 21

 Marvin Agustin

Tutulong ang aktor at restaurateur na si Marvin Agustin sa mga apektado ng COVID-19 pandemic sa pamamagitan ng pagluluto ng pagkain para sa kanila.

8 of 21

Tim Yap

Nag-donate ang multi-hyphenate entertainment personality na si Tim Yap ng medical supplies sa Medical Center Taguig.

9 of 21

Karel Marquez

Namahagi si Karel Marquez ng specialty niyang callos sa mga health worker sa ilang ospital bilang pagbibigay-pugay sa mga sakripisyo nila sa pagsugpo ng pagkalat ng COVID-19.

advertisement
10 of 21

Solenn Heussaff

Nagpadala si Solenn Heussaff ng food packs mula sa iniendorsong rotisserie chicken restaurant sa ilang health workers sa isang ospital. Kasunod nito, nagbigay-suporta ang aktres at ang kanyang asawang si Nico Bolzico sa proyekto ni Angel Locsin na magtayo ng sleeping tents para sa COVID-19 health workers.

11 of 21

Joyce Pring and Juancho Trivino

Nagpadala sina Joyce Pring at Juancho Trivino ng instant coffee packs sa mga empleyado ng The Premier Medical Center sa Parañaque at sa Amang Rodriguez Memorial Medical Center sa Marikina.

12 of 21

Heart Evangelista

Namahagi ng kahon-kahong face masks si Heart Evangelista at kanyang asawang si Gov. Chiz Escudero sa Sorsogon bilang proteksyon sa paglaganap ng COVID-19. Bukod sa masks, tinugunan din ng aktres ang mga taong humingi ng tulong sa pamamagitan ng Twitter. Ilan sa mga ito ay pinadalhan niya ng mga gamot, pagkain, at iba pa.

advertisement
13 of 21

Willie Revillame

Matapos ma-stranded sa Puerto Galera dahil sa pagpapatupad ng enhanced community quarantine, nagbigay ng tulong si Willie Revillame sa mga nagtatrabaho sa checkpoints sa isla tulad ng pagbibigay ng bigas, kape, at noodles. Bukod pa rito, magbibigay rin ng isang milyong piso ang kanyang programang 'Wowowin' bilang donasyon. Ayon pa sa kanya, may karagdagang tulong din na hatid ang kanyang mga kaibigan at sponsors para sa mga kababayang apektado ng COVID-19.

14 of 21

Alden Richards

Nag-donate ng pagkain si Alden Richards mula sa kanyang pag-aaring fast food restaurant sa COVID-19 frontliners sa Biñan, Laguna.

15 of 21

Ryan Cayabyab

Sa tulong ng Philippine Business for Social Progress (PBSP), inilunsad ni National Artist for Music Ryan Cayabyab ang 'Bayanihan Musikahan' Facebook fundraising concert series na layong makalikom ng donasyon bilang pantulong sa mga apektado ng COVID-19. Ilan sa OPM artists na lumahok sa programang ito ay sina Karylle, Ebe Dancel, Top Suzara, at bandang Sponge Cola

advertisement
16 of 21

Maine Mendoza

Sinimulan ni Maine Mendoza ang fundraising blog na pinamagatang DoNation Drive. Layon nitong magbigay ng tulong sa daily wage earners na walang trabaho sa panahon ng enhanced community quarantine.

17 of 21

Sarah Lahbati

Nagset up si Sarah Lahbati ng gofundme account na layong makalikom ng donasyon para sa mga COVID-19 frontliners gaya ng health workers, military and police officers, at PUV drivers na apektado ng enhanced community quarantine.

18 of 21

Angel Locsin

Nag-provide ng sleeping tents si Angel Locsin kung saan maaaring makapagpahinga ang COVID-19 health workers pagkatapos ng kanilang duty. Kumpleto sa gamit, malinis, at Instagrammable pa ang makeshift quarters na itinayo malapit sa ilang ospital.

advertisement
19 of 21

Mona Louise Rey and Ivana Alawi

Ang magkapatid na sina Mona Louise Rey at Ivana Alawi ang nag-pack mismo ng relief goods na kanilang ipapamigay sa mga nangangailangan ng tulong sa panahon ng enhanced community quarantine.

20 of 21

Team Kramer

Ang mag-asawa na sina Doug at Chesca Kramer, kasama ng kanilang mga anak na sina Kendra, Scarlett, at Gavin ay nagbahagi ng tulong sa mga medical workers. Nagbigay ang pamilya ng boxes of pizza at mga PPE sa COVID-19 frontliners.

21 of 21

Juancho Trivino, Mikoy Morales, and Thea Tolentino

Naglunsad sina Juancho Trivino, Mikoy Morales, at Thea Tolentino, kasama ang ilan pa nilang kaibigan, ng isang non-profit organization na pinangalanan nilang RelievePh. Layon nitong makapag-provide ng personal protective equipment o PPE tulad ng gloves at masks sa mga ospital na kulang sa supply.

advertisement