advertisement
Showbiz News

IN PHOTOS: Popular stand-up comedians at performers ng Klownz at Zirkoh

1 of 12

Allan K

Si Allan K ang nagsilbing owner at founder ng comedy bars na Klownz at Zirkoh kung saan siya regular na nakikilahok sa tawanan. Saad niya sa kaniyang Instagram post, "Maraming salamat sa lahat ng naging bahagi ng Klownz comedy bar. Sa mga tumangkilik, nakisaya, nakitawa, at sinamahan kami sa loob ng 18 years, salamat ng marami."

2 of 12

Super Tekla

Nagsimula bilang isang stand-up comedian si Super Tekla kaya minsan din niyang naging tahanan ang Klownz at Zirkoh. Ayon sa komedyante, ang comedy bars ang nagsilbing “pader at sandigan ko at ng mga co-performers ko.”

3 of 12

Gladys Guevarra

Isa si Gladys Guevarra sa mga regular performers ng Klownz at Zirkoh. Aniya, naging saksi ito sa maraming pangyayari sa buhay niya kaya masuwerte siya na kahit hanggang dulo ay pinagkatiwalaan siya ni Allan K na magpasaya sa mga customer ng comedy bar. Dagdag pa ni Gladys, “Hindi biro ang 18 years. Maraming halakhak at luha ang nangyari.”

advertisement
4 of 12

Boobsie

Saksi rin sa success ni Boobsie ang Klownz at Zirkoh sa pagkakaroon ng kanyang showbiz career ngayon. Kuwento ni Boobsie, kung wala ang Klownz at Zirkoh ay hindi siya magiging si Boobsie Wonderland.

5 of 12

Ate Gay

Regular performer din si Ate Gay ng comedy bars ni Allan K. Maliban diyan, nagsilbi pa siyang nanay-nanayan nina Boobay at Super Tekla sa Klownz at Zirkoh nang halos isang taon.

6 of 12

Boobay

Nahasa rin ang pagpapatawa ni Boobay dahil sa dalawang comedy bars na ipinatayo ni Allan K. Bago pa man siya pumasok sa larangan ng showbiz, sila ni Tekla ay nagsilbing regular stand-up comedians dito.

advertisement
7 of 12

Wally Bayola

Hindi man nagsimula sa Klownz, regular performer naman si Wally Bayola dito kasama sina 'Eat Bulaga' dabarkads Jose Manalo at Jerricho Sison Calingal, a.k.a. 'Echo,' ang BakClash Diva Grand Winner.

8 of 12

Jose Manalo

Maliban sa kaniyang pagpapatawa sa 'Eat Bulaga,' sumasabak din sa iba't ibang stand-up comedic acts si Jose Manalo sa Klownz kasama si dabarkad Wally Bayola.

9 of 12

K Brosas

Minsan na rin naging regular performer ng Klownz at Zirkoh si K Brosas.

advertisement
10 of 12

John Lapus

Naging tahanan na rin ni John Lapus, a.k.a. Sweet, ang Klownz at Zirkoh kaya naman nang mabalitaan ang pagsara nito, hindi niya mapigilan na magdasal at sabihing, “Lord kayo na po ang bahala sa mga anak ko.”

11 of 12

Bakclashers

Binigyan ni Allan K ng panibagong entablado ang BakClash Divas na sina Echo, EJ Salamante, Neurie, Raven, Inah Magenta, at Yvonna sa kanyang comedy bar kung saan sila regular na nagpe-perform.

12 of 12

Sexbomb girls new generation

Ang Klownz at Zirkoh din ang naging tahanan ng panibagong Sexbomb Girls.

advertisement