Showbiz News

Comedy bars na Zirkoh at Klownz, tuluyan nang isasara

By Cherry Sun

Tuluyan nang magsasara ang Zirkoh at Klownz, dalawang tanyag na comedy bars na pagmamay-ari ni 'Eat Bulaga' dabarkad Allan K.

Dahil sa patuloy na banta ng COVID-19, apektado na rin ang mga negosyo ni Allan K. Ang kanyang desisyon na isara ang Zirkoh at Klownz ay kinumpirma ng mga komediyanteng minsang naghatid ng aliw at saya rito.

Ani Phillip Lazaro, “Sa aking mga kasama at kapatid sa Klownz at Zirkoh, let us all say a little prayer for one another and hug each other in our hearts.

"Sa aming mga napatawa at napasaya sa mga lumipas na taon, the pleasure was definitely ours.

"Sa aming mga boss Sir Lito at A.K., thanks for the oppurtunity.

"Marami pong salamat sa inyong lahat at sa uulitin. Bow.”

Namaalam na rin sa pamamagitan ng kanilang Instagram stories ang ilan pang stand-up comedians tulad nina Pepita Curtis at Nhoi Taleon.

Ilang negosyo na rin ang nanganib at nagsara dahil sa patuloy na pagsubok sa ekonomiya ng bansa dulot ng COVID-19 crisis.

Samantala, ilang industriya na rin ang unti-unting kinakapa ang kanilang magiging bagong pamamalakad sa tinatawag na “new normal.”

#NewNormal: A makeup artist on COVID-19 & the industry's future

Park and dine: Dining in cars is the new normal in these restaurants

#NewNormal: The PH beauty salon industry after lockdown