advertisement
Showbiz News

TINGNAN: Kapuso stars na mapapanood n'yo sa Netflix

1 of 29

Paolo Contis 

Pinagbibidahan ng Kapuso comedian na si Paolo Contis ang mga pelikulang 'A Faraway Land,' 'Through Night & Day' at 'Ang Pangarap Kong Holdap'. Dito, marami ang nakanood ng versatility at husay ni Paolo bilang aktor.

Available na rin sa Netflix ang episode ni Paolo sa 'I Can See You' kung saan bumida siya kasama sina Andrea Torres, Benjamin Alves, at Yasmien Kurdi.

2 of 29

Kelvin Miranda 

Groundbreaking ang pelikulang 'Dead Kids' starring Kapuso actor Kelvin Miranda dahil ito ang first ever Filipino Netflix original. Kasama niya rito ang bagong Kapuso actor na si Khalil Ramos.

3 of 29

Martin Del Rosario

Mabighani sa ganda ni Martin Del Rosario as Barbs sa 'Born Beautiful.'

Nagsama-sama rin sila muli ni Paolo Ballesteros sa pelikulang 'The Panti Sisters.'

advertisement
4 of 29

Aiai Delas Alas

Mapapanood sa Netflix ang dalawang comedy films ni comedy concert queen Aiai Delas Alas, ang 'S.O.N.S.: Sons of Nanay Sabel' kasama ang Ex-battalion at 'D'Ninang.'

5 of 29

Alden Richards and Maine Mendoza

Available na sa Netflix ang 2016 drama film na 'Imagine You & Me,' kung saan tampok sina Alden Richards at Maine Mendoza. Mapapanood rin ang 2015 MMFF movie nina Alden at Maine na 'My Bebe Love: KiligPaMore' kasama sina Bossing Vic Sotto at Aiai delas Alas.

Separately, mapapanood din sa Netflix ang pelikula ni Maine na 'Isa Pa, With Feelings' kasama si Carlo Aquino.

Ang blockbuster hit naman na 'Hello, Love, Goodbye' tampok sina Alden Richards at Kathryn Bernardo ay napapanood na sa Netflix simula pa noong December 24, 2020.

6 of 29

Dingdong Dantes

Binigyang-buhay nina Dingdong Dantes at Anne Curtis ang mga pangunahing karakter sa pelikulang 'Sid & Aya.'

Mapapanood din sa Netflix ang GMA series na 'Descendants of the Sun Philippines' tampok sina Dingdong at Jennylyn Mercado.

advertisement
8 of 29

Jennylyn Mercado and Derek Ramsay 

Tiyak na makaka-relate ka sa mga karakter nina Jennylyn Mercado at Derek Ramsay sa 'All Of You,' kung saan mapapanood ang highs and lows ng isang relasyon.

9 of 29

Sanya Lopez and Derrick Monasterio 

Mapapanood ang sexy Kapuso stars na sina Sanya Lopez at Derrick Monasterio sa 2018 steamy romance film na 'Wild and Free.'

11 of 29

Derek Ramsay, Solenn Heussaff, and Kiray Celis 

Maraming katatawanan at aral na kapupulutan ang 2016 romantic comedy film na 'Love Is Blind,' kung saan mapapanood sina Derek Ramsay, Solenn Heussaff, at Kiray Celis.

advertisement
12 of 29

Bianca Umali and Miguel Tanfelix 

Panoorin sina Bianca Umali at Miguel Tanfelix sa kanilang first ever horror movie roles sa 'Banal.'

13 of 29

Paolo Ballesteros 

Ginampanan ng 'Eat Bulaga' host na si Paolo Ballesteros ang makulay at masalimuot na buhay ng trans woman na si Trisha sa 'Die Beautiful.'

15 of 29

Rhian Ramos

Mapapanood sa Netflix ang pelikulang “Kung Paano Siya Nawala” na pinagbidahan nina Kapuso actress Rhian Ramos at JM De Guzman. Umiikot ang kuwento nito sa pagitan nina Lio, na may kakaibang sakit na face blindness, at Shana, na tutulungan si Lio sa kanyang kondisyon.

advertisement
16 of 29

Rocco Nacino

Bumida si Rocco Nacino sa 2019 MMFF entry na 'Write About Love' kung saan kasama niya ang Kapamilya actress na si Miles Ocampo. Parehong writer ang mga karakter nina Rocco at Miles kung saan kailangan nilang gumawa ng isang love story.

17 of 29

Dennis Trillo

Nagkasama sa movie na 'Bakit Lahat ng Gwapo May Boyfriend' sina Dennis Trillo, Anne Curtis, at Paolo Ballesteros. Mapapanood rin sa Netflix ang 2018 MMFF entry ni Dennis na 'One Great Love,' kasama si Kim Chiu, at JC De Vera.

18 of 29

Therese Malvar

Dalawang pelikula ni Therese Malvar ang kasalukuyang mapapanood sa Netflix, ang 2018 Cinemalaya entry na 'Distance,' at ang coming-of-age drama na '1-2-3 Gasping for Air.'

advertisement
19 of 29

Glaiza de Castro

Noong 2016, ginampanan ni Glaiza de Castro at Dominic Roco ang dalawang call-center agents na hindi makatulog sa pelikulang 'Sleepless.'

20 of 29

Carmina Villarroel

Sumabak sa horror ang mahusay na actress na si Carmina Villarroel sa pelikulang 'Sunod.'

21 of 29

Winwyn Marquez

Nakapareha ng beauty queen actress na si Winwyn Marquez si Enzo Pineda sa 'Time and Again.

advertisement
22 of 29

Ken Chan

Kakaibang galing sa pag-arte ang ipinamalas ni Ken Chan sa pelikulang '1st Ko si 3rd,' na unang ipinalabas noon sa 2014 Cinemalaya Film Festival. Kasama ni Ken sa pelikula ang mga beteranong aktor na sina Dante Rivero, Nova Villa, at Freddie Webb.

23 of 29

Jason Abalos

Mapapanood na sa Netflix ang 2011 indie film na Rakenrol. Ginampanan ni Jason ang papel ni Odie, isang music lover na mahilig magsulat ng kanta at may lihim na pagtingin sa kanyang kaibigan na si Irene na ginagampanan ng fellow Kapuso na si Glaiza de Castro.

24 of 29

Jasmine Curtis-Smith, Pancho Magno, and Andrea Torres

Pasok na rin sa Netflix ang GMA drama anthology na I Can See You. Ang mini-series ay may iba't-ibang episodes at kuwento ng pag-ibig.

Ang mga episodes na “Love on the Balcony,” “The Promise,” “High-Rise Lovers,” at “Truly. Madly. Deadly” ay pinagbibidahan ng maraming Kapuso stars.

Bukod kina Jasmine, Pancho, at Andrea, mapapanood din sina Yasmien Kurdi, Benjamin Alves, Paolo Contis, Winwyn Marquez, Lovi Poe, Tom Rodriguez, Dennis Trillo, Rhian Ramos, at Jennylyn Mercado sa mini-series.

advertisement
25 of 29

Barbie Forteza

Mapapanood na sa Netflix ang 2017 movie nina Kapuso Primetime Princess Barbie Forteza at Ken Chan.

26 of 29

Benjamin Alves

Pinangungunahan ni Benjamin Alves ang star-studded cast ng 'Owe My Love,' isang rom-com serye na inihandog ng GMA Public Affairs.

27 of 29

Kokoy De Santos and Elijah Canlas

Magkatambal si Kokoy at Elijah sa 2020 BL series na 'Gameboys'. Ang sikat na proyektong ito ay tungkol sa isang livestreamer at fan na nagsimulang mag-usap online sa gitna ng pandemya.

Bumida rin si Elijah sa 'Kalel, 15,' ang pelikulang nanalo ng Best Screenplay sa 2020 Gawad Urian Awards.

advertisement
28 of 29

Lauren Young

Kilalanin si Lauren bilang Hannah sa pelikulang 'Remington and the Zombadings' na lumabas noong 2011. Kasama rin ni Lauren dito si Marian Rivera na gumanap bilang isang albularya.

30 of 29

Marian Rivera and Dingdong Dantes

Balikan ang matamis na on-screen tambalan ng DongYan sa 2010 rom-com film na 'You to Me Are Everything.'

Maaari mo na rin mapanood sa Netflix ang mga pelikulang 'My Bestfriend's Girlfriend,' 'Desperadas' at 'Desperadas 2' na pinagbibidahan rin ng aktres.

31 of 29

Coney Reyes, Rhian Ramos, and Mikael Daez

Ang 'Love of My Life' ay isang seryeng hatid ng GMA Network. Pinagbibidahan nina Coney Reyes, Mikael Daez, Rhian Ramos, Carla Abellana at Tom Rodriguez, maghanda para sa isang nakapupukaw na kwento tungkol sa pamilya at pag-ibig.

advertisement
32 of 29

Julie Anne San Jose and David Licauco

Magkatambal ang dalawang Kapuso stars sa 'Heartful Cafe' na sumusunod sa kuwento ng isang online romance novelist at isang café owner na tila kupido ang silbi sa mga malalapit sa kanya.

Mapapanood din sa seryeng ito sina Zonia Mejia, Victor Anastacio, at Edgar Allan Guzman.

33 of 29

Beauty Gonzalez 

Kasama ni Beauty sina Paolo Contis at Archie Alemania sa pelikulang 'Izla,' kung saan sila'y maglalakbay patungo sa isang "mythical land" na balot ng misteryo.