Showbiz News

Ciara Sotto, hands-on sa pag-alaga kay baby Crixus

By CHERRY SUN
 
Matagal pa raw magbabalik-showbiz si Ciara Sotto dahil mas ine-enjoy niya ngayon ang pagiging isang full-time mom sa kanyang unang anak, si baby Crixus.
 
READ: Ciara Sotto gives birth to baby boy
 
Mula sa pagpapalit ng lampin, pagpapaligo at pagpapatulog kay baby ay very hands-on si Ciara. Proud din siyang maging isang breastfeeding mom.
 
Ibinahagi niya sa Balitanghali na nahihirapan man siya sa pagbe-breastfeed ay mas mahalaga para sa kanya ang makukuhang benefits ng kanyang anak mula rito.
 
“Nag-tweet nga ako eh, ‘breastfeeding is tougher than pole dancing,” panimula ng aktres.
 
“Nung una parang nade-depress ako, feeling ko walang gatas. ‘Yung ganun. Pero siyempre you want what’s best for your baby. Latch ka ng latch kahit puro sugat na ‘yung nipples mo pero ganun po talaga. Lahat daw ng nanay pinagdadaanan ‘yun,” dagdag niya.
 
PHOTOS: 10 adorable photos of Ciara’s baby Crixus
 
Ngayon din daw ay laging ang kanyang anak na ang nangunguna sa kanyang priorities.
 
“Akala ko noong una sinasabi lang, ganun ‘yung mga kapatid ko eh. Sabi nila, ‘Naku pagdating niyan, puro para sa baby na ‘yan.’ Pati mga friends ko, sinasabi sa akin. ‘Talaga,’ sa loob-loob ko sabi ko, ‘Bakit naman?,’ kuwento ni Ciara.
 
“‘Yun pala totoo pala ‘yun, so 'pag nagmo-mall ako like when I was at the mall the other day, bibilan ko sana ng gift ‘yung husband ko. Nakakita ako ng baby clothes, siyempre ‘yun ang binili ko,” dugtong niya.

Video courtesy of GMA News