Showbiz News

Pepito Manaloto, magpapa-botox?

By AEDRIANNE ACAR

PHOTO COURTESY OF facebook.com/pepitomanalotokapuso

Usapin ng edad ang kuwento natin ngayong Sabado (June 6) sa Pepito Manaloto: Ang Tunay na Kuwento!
 
Itong si Pepito (Michael V) pinoproblema na ang kanyang edad matapos mapagsabihan ng anak niya na si Clarissa na masyado na siyang matanda para sumali sa cosplay event.
 
Dumagdag pa sa inis ng bidang milyonaryo ang usapan nila Janice tungkol sa itsura niya at nang bumisita ang high school classmate na si Vic na higit na mukhang bata kaysa sa tunay nitong edad. 
 
Tsk... tsk... tsk... senior citizen na ba si Pepito? 
 
Kaya itong si Pepito humingi na ng tulong sa kanyang drayber na si Robert kung paano masosolusyunan ang "beauty" problems niya.
 
Ang sagot... isang bonggang makeover! Mula pagpapa-botox hanggang anti-aging beauty treatments, gagawin 'yan lahat ni Pepito para bumata. Pero maging successful kaya itong lahat?
 
Mas magiging bagets ang feel niyo kapag nanonood kayo ng Pepito Manaloto: Ang Tunay na Kuwento ngayong Sabado (June 6) pagkatapos ng Sabado-badoo sa Sabado Star Power ng Kapuso network.