David Licauco, Shaira Diaz tuwang-tuwa sa fan support para sa 'Without You' premiere

GMA Logo David Licauco and Shaira Diaz at Without You premiere

Photo Inside Page


Photos

David Licauco and Shaira Diaz at Without You premiere



Nag-uumapaw sa tuwa at pasasalamat sina David Licauco at Shaira Diaz sa natanggap nilang pagmamahal at suporta mula sa kani-kanilang fans na dumalo sa red carpet premiere ng kanilang Valentine movie na 'Without You' na ginanap sa SM Megamall noong Feb. 13, 2023.

Hindi magkamayaw ang fans na bitbit ang posters, photos, LED lights, at kung ano-ano pang paraphernalia na nagpapakita ng kanilang pagmamahal sa kanilang idols.

Sa RC Delos Reyes-directed na 'Without You,' David and Shaira portray young couple Axel and Ria. Matamis at masaya ang kanilang pagsasama sa iisang bahay, pero kalaunan, dahil na rin sa stress, pressure at temptations na kadalasang na-e-encounter sa labas, unti-unting magkakalamat ang kanilang relasyon, hanggang sa mapilitan na silang gumawa ng isang masakit na desisyon.

Sa previous interview ng GMANetwork.com kina David at Shaira, inilarawan ng dalawa ang flaws ng kanilang mga karakter.

“May pagka-martyr siya na babae, siguro dahil sa pagmamahal niya kay Axel, kaya siya, kahit masakit, nag-i-stay,” sabi ni Shaira.

Sagot naman ni David, "Feeling ko si Axel wasn't ready yet to commit, to be in a relationship na stable and all that. But then eventually, he realized na mahal pala talaga niya 'yung babae. Love is a scary thing.”

Hindi ito ang unang movie na pinagbidahan nina David at Shaira. Matatandaan na noong 2019, sila rin ang tambalan na tampok sa 'Because I Love You,' isang romance movie na idinirehe naman ni Joel Lamangan.

Dahil sa nasabing pelikula, naiuwi ni David ang New Movie Actor of the Year (2021) award sa 36th PMPC Star Awards.

Bagaman magkaiba na sila ng landas sa showbiz ngayon, lalo na't may malakas na FiLay loveteam si David kasama si Barbie Forteza, nananatili ang chemistry ng dalawa. Bago pa man umere ang hit fantasy series na 'Maria Clara at Ibarra,' naitambal na si Shaira kay Ruru Madrid sa isa ring malakas na primetime serye na 'Lolong' last year. Romantically committed din si Shaira sa kanyang fellow Sparkle star na si EA Guzman for nine years.


Narito ang ilang eksena sa naganap na red carpet premiere ng 'Without You' sa SM Megamall:


David and Shaira on Red Carpet
All Out Support
Dindi Pajares
Riana Pangindian
Director RC Delos Reyes
Overwhelmed
Sparkle's Joy Marcelo
Proud cast
Beauty queen selfie
Jacob Ejercito, Casie Banks, ALV
Unang Hirit squad
All smiles
Shaira and David grateful
Team Sparkle

Around GMA

Around GMA

Trump brands fentanyl a ‘weapon of mass destruction’ in drug war escalation
Lalaki, nakuhaan sang video nga nagapangawat sa abandonado nga balay sa Bacolod| One Western Visayas
Heart Evangelista is cool and chic in baggy pants