Nakatakdang ipalabas ngayong 2023 ang kauna-unahang pelikula ng Asia's Multimedia Star at Kapuso actor na si Alden Richards at ng Kapamilya actress na si Julia Montes.
Ito ang Five Break-ups and a Romance, ang film na idinirek ng kilalang film director na si Irene Villamor.
Kamakailan lang, natapos na ang kanilang shooting na umabot daw ng halos labing tatlong araw.
Sa report na pinalabas kagabi sa 24 Oras, mapapanood na ibinahagi ng dalawang aktor ang kanilang naramdaman nang malaman na tapos na ang kanilang shooting para sa proyektong ipapalabas sa big screen.
Pahayag ni Alden, “Masarap ka-work si [Julia Montes] kasi walang pretentions… Sobrang naging comfortable talaga ako sa set na 'to. I think that's what made this whole collaboration beautiful.”
Sa mismong huling araw ng kanilang shoot, naging emosyonal si Julia dahil tila napalapit na siya sa kanyang mga naging katrabaho para sa pelikula.
Ayon sa aktres, “Ang hirap niya i-goodbye, hindi lang 'yung character kundi 'yung journey na magkakasama as a group. 'Yung working relationship… lahat, hindi matatawaran, doon ako nase-senti.”
Matapos ang kanilang huling shoot, dumiretso na sa party ng Five Break-ups and a Romance sina Alden at Julia.
Silipin dito ang ilang larawan mula sa katatapos lang na special event.
Kabilang sa mga dumalo sa cast party ng 'Five Break-ups and a Romance' (mula sa kaliwa) ay ang President ng Cornerstone Entertainment na si Erickson Raymundo, GMA Senior Vice-President for Programming, Talent Management, Worldwide, and Support Groups Atty. Annette Gozon-Valdes, Direk Irene Villamor, Julia Montes, at Alden Richards.
Ayon kay Atty. Annette Gozon-Valdes, GMA Senior Vice-President for Programming, Talent Management, Worldwide, and Support Groups, “I'm very excited… Ang galling galling ng mga artista talaga, ni Alden [Richards] at ni Julia [Montes]. Tingin ko isa pa itong masterpiece ni Direk Irene [Villamor].”
Present din sa event ang Sparkle's Senior Talent Manager na si Tracy Garcia, pati na rin ang Project Manager ng GMA Pictures na si Rose Conde.
Abangan sina Alden Richards at Julia Montes bilang sina Lance at Justine sa kanilang first-ever collaboration film na 'Five Break-ups and a Romance.'