Showbiz News

Mas pinasaya na, mas pina-wow pa ang GMA simula ngayong Linggo!

By AL KENDRICK NOGUERA

 
Kung enjoy na kayo tuwing hapon ng Linggo sa GMA, huwag kayong mabibigla dahil magiging mas wow sa saya ang Sunday Kapuso experience ninyo simula August 9!
 
WATCH: Mas Wow sa Saya simula ngayong Linggo
 
Mas pasasayahin pa kayo sa unang pasabog ng pinakabagong GMA show na Sunday PinaSaya na magsisimula pagpatak ng alas dose ng tanghali. Makipagsabayan sa biritan at hatawan kasama sina Primetime Queen Marian Rivera, Philippine Queen of Comedy Aiai Delas Alas at ang Masters of Comedy na sina Jose Manalo at Wally Bayola! 
 
Tuloy-tuloy ang kasiyahan pagkatapos ng comedy-variety show, dahil agad na magsisimula ang Wowowin sa bago nitong time slot na 2:00 p.m. Mayroon baong mas win na papremyo si Willie Revillame!
 
Pelikula ba ang hanap mo? Tutok lang sa GMA mula 3:00 p.m. hanggang 5:00 p.m. dahil siguradong kumpleto ang Linggo mo sa ihahandog ng GMA Blockbusters, ang Superman Returns!
 
At siyempre, bago maghapunan, panoorin muna ang kauna-unahang animated anthology na Alamat na ilalahad ang kuwento ng "Ang Unang Bahaghari." Tiyak na magbibigay ng aral sa mga manonood ang napakagandang istorya na hatid ng Kapuso show na ito.
 
Tutok na sa mas pinasaya at mas pina-wow na GMA tuwing Linggo!