advertisement
Showbiz News

Aiai Delas Alas, interesadong mabawi ang Urian Award ni Jiro Manio

1 of 12

Alden Richards

Special ang bonding ni Aiai kay Alden Richards na tinatawag niyang "Ashey." Pag-amin din ng Asia's Multimedia Star, nakahanap siya ng ina sa katauhan ng kanyang dating 'Sunday PinaSaya' co-star.

2 of 12

Marvin Agustin

Si Marvin Agustin ang panganay na anak ni Aiai sa movie series na 'Ang Tanging Ina.'At kahit hindi na sila magkatrabaho ay nanatili ang pagiging close nila hanggang ngayon.

3 of 12

Nikki Valdez

Nanatili ring malapit si Nikki Valdez kay Aiai. Siya ang gumanap na second child ng Philippine Queen of Comedy sa 'Ang Tanging Ina' movie series.

advertisement
4 of 12

Heart Evangelista

Kahit hindi nakabilang sa huling pelikula ng 'Ang Tanging Ina,' naging maayos pa rin ang relasyon nina Aiai at Heart dahil anak na ang pakikitungo niya rito.

5 of 12

Carlo Aquino

Full support ang natanggap ni Carlo Aquino sa kanyang nanay-nanayan na si Aiai para sa kanyang pagbabalik-pelikula.

6 of 12

Alwyn Uytingco

Dahil sa trabaho ay anak-anakan din ang turing ni Aiai kay Alwyn Uytingco.

advertisement
7 of 12

Serena Dalrymple

Naging anak din ni Aiai si Serena Dalrymple sa 'Ang Tanging Ina' movie series.

8 of 12

Shaina Magdayao

Gumanap din si Shaina bilang anak ni Aiai sa pelikula.

10 of 12

Ruru Madrid

Si Aiai ang nagsilbing nanay ni Ruru Madrid sa ilang Kapuso shows tulad ng 'Let The Love Begin' at 'Sherlock, Jr.'

advertisement
12 of 12

Jiro Manio

Ang dating child star na si Jiro Manio ay ikasiyam na anak ni Aiai sa 'Ang Tanging Ina' film series kung saan gumanap siyang Samuel o "Shammy." Kahit pagkatapos ng pelikula ay patuloy pa rin ang komunikasyon ni Aiai sa aktor. Matatandaang nalulong si Jiro sa bawal na gamot at isa sa mga naunang tumulong sa kanyang magpa-rehab ang nanay-nanayan niyang si Aiai. Sa larawan, kasama nina Aiai at Jiro ang dalawang anak ng aktres na sina Sophia at Sancho.

13 of 12

Anne Curtis

Bukod sa 'Ang Tanging Ina,' bumida rin si Aiai sa isa pang iconic dramedy film na 'Ang Cute ng Ina Mo.' Sa pelikula, ginawa niya ang lahat para mapalapit sa nawalay na anak na si Christine sa Australyanong si Jack. Ang character na Christine ay ginampanan ni Anne Curtis. Hanggang ngayon ay sweet pa rin si Anne kay Aiai na kung tawagin niya ay "Inay."

14 of 12

Shayne Sava

Hanggang sa telebisyon ay kinagigiliwan si Aiai bilang ina. Sa bago niyang serye na 'Raising Mamay,' gaganap siyang Letty, ang adoptive mom ng teenager na si Abigail, na gagampanan ni Shayne Sava. Sa pagkakataong ito, kakaibang Aiai ang mapapanood ng viewers dahil magpapalit sila ng role ni Shayne. Mababaril si Letty na magreresulta sa traumatic brain injury na magiging cause ng age regression. Babalik sa pagkabata ang behavior ni Letty kaya aakalain niyang si Abigail ang kanyang ina dahil ito na ang tatayong guardian niiya.

advertisement