advertisement
Showbiz News

New-gen Sang'gres, ipinakilala na ang kanilang mga karakter sa Philippine Book Festival 2024

1 of 15

New-gen Sang'gres

Nakisaya ang bagong henerasyon ng mga Sang'gre na sina Bianca Umali, Kelvin Miranda, Faith Da Silva, Angel Guardian sa unang araw ng Philippine Book Festival 2024 sa World Trade Center noong Huwebes, April 25.

2 of 15

Philippine Book Festival

Nagkaroon ng book reading session sina Bianca Umali, Kelvin Miranda, Faith Da Silva, Angel Guardian kung saan ipinakilala na nila ang kanilang mga karakter at pinagmulang kaharian sa Encantadia.

3 of 15

Encantadia Chronicles: Sang'gre

Sa continuation ng Encantadia Chronicles sa Sang'gre, makikila si Bianca Umali bilang Sang'gre Terra, Kelvin Miranda bilang Sang'gre Adamus, Faith Da Silva bilang Sang'gre Flamarra, at Angel Guardian bilang Sang'gre Deia.

advertisement
4 of 15

Book reading session

Sinamahan sina Bianca, Kelvin, Faith, at Angel ng mga bata sa kanilang reading activity sa main stage ng World Trade Center.

5 of 15

Bianca Umali

Ipinakilala ni Bianca Umali ang kanyang karakter na si Sang'gre Terra, ang bagong tagapangalaga ng Brilyante ng Lupa. Si Terra ay anak ni Sang'gre Danaya na lumaki at namuhay sa mundo ng mga tao--ang Distrito VI.

6 of 15

Sang'gre Terra

"Ako si Terra. Isinilang, namulat, at lumaki sa Distrito VI, isang pamayanan ng mga mahihirap doon sa isang malayong probinsya. Bagama't ang aking pamilya ay hindi naman mayaman, ngunit pinalaki naman ako ng aking nanay at Lolo Javier sa kabutihang asal at pagmamahal," panimulang pagpapakilala ni Bianca Umali kay Terra.

advertisement
7 of 15

Encantadia

Naikuwento rin ni Bianca Umali ang pagkasira ng katahimikan sa Encantadia nang dumating ang makapangyarihan ding mga nilalang na pinaghaharian ng kasamaan sa pamumuno ni Mitena, kakambal ni Cassiopea. "Ibig ni Mitena na angkinin ang Encantadia at guluhin ito bilang kanyang kaparusahan sa lahat ng kanyang mga dinanas na paghihirap noong s'ya ay bata pa."

8 of 15

Kelvin Miranda

Ipinakilala ni Kelvin Miranda ang karakter na gagampanan na si Sang'gre Adamus, ang magmamana ng Brilyante ng Tubig, anak ni Sang'gre Alena.

9 of 15

Sang'gre Adamus, prinsipe ng Encantadia

"Pinalaki ako sa kasaganaan at pagmamahal ng aking ina, ngunit hindi sa layaw. Bata pa lamang ako ay tinuturuan na akong magsikap para sa aking sarili. Mahusay akong mangaso at manghuli ng maiilap na hayop. Kaya't lumaki at kinilala sa aming daigdig bilang isa sa mahuhusay na mandirigma ng prinsipe ng Encantadia," panimulang pagpapakilala ni Kelvin Miranda kay Adamus.

advertisement
10 of 15

Pagpapakilala sa Mine-a-ve

Kasama rin sa kuwento ni Kelvin Miranda ang mga mananakop na sasalakay sa kaniyang mundo. "Bigla na lamang dumating sa aming mundo ang napakaraming hukbo ng mga nilalang na nagmula sa isla ng Mine-a-ve. Ito ay isang lupain na punong-puno ng nyebe at doon ay napakalamig kung kaya't ang kanilang mga puso ay tila nawalan na rin ng init upang maawa at magmahal. Mabagsik at walang respeto sa kapwa ang mga nilalang na ito na naghangad na sakupin ang aming tahanan," kuwento ni Kelvin Miranda tungkol sa pagdating ng Mine-a-ves sa Encantadia.

11 of 15

Faith Da Silva

Gaganap si Faith Da Silva bilang Sang'gre Flamarra, ang bagong tagapagmana ng Brilyante ng Apoy. Si Flamarra ay anak ni Sang'gre Pirena.

12 of 15

Sang'gre Flamarra

"Takot ako, lalo't sa aking dugo ay nananalaytay rin ang dugo ng mga Hathor, na minsan nang nagtaksil sa Encantadia. Alin kayang dugo ang mas mananaig sa akin, ang marangal na dugo ng mga diwata o ang isinumpa at minsan nang kinamuhiang dugo ng mga saling lahing mga pinuno ng Hathoria? Habang hinaharap ko ang mga katanungang ito sa aking pagkatao ay dinaig din ng higit pang pangamba't takot nang dumating sa aming mundo ang mga malulupit na Mine-a-ves, na umagaw sa aming lupain at kalayaan," panimulang pagpapakilala ni Faith Da Silva kay Flamarra.

advertisement
13 of 15

Angel Guardian

Ipinakilala ni Angel Guardian ang gagampanang karakter na si Sang'gre Deia sa pamamagitan ng isang madamdaming liham para sa mamamayan ng Encantadia. Si Deia ay isang Mine-a-ves at ang bagong tagapangalaga ng Brilyante ng Hangin.

14 of 15

Sang'gre Deia

"Aaminin ko na malaki ang aming pagkakasala sa inyo, sa aming ginawang pagwasak at pagbasag sa katiwasayan at katahimikan ng inyong mundo. Aaminin ko rin sa inyo na dumating ako sa inyong mundo bilang isang kaaway, isang mandirigmang anak ng isang heneral ng mga Mine-a-ves, na ang katapatan ay ipinagkaloob na sa aming kinikilalang reyna, si Mitena. Hindi ninyo ako masisisi lalo't ako'y hindi isa sa inyo. Hindi ninyo ako kalahi, hindi ako taga-Encantadia. Ang aking puso at isip ay puno ng pagtatangi para sa aking lupang sinilangan, ang tahanan ng nyebe at lamig ng Mine-a-ve," panimulang liham ni Deia para sa mga taga-Encantadia.

15 of 15

Encantadia Chronicles: Sang'gre

Abangan ang Encantadia Chronicles: Sang'gre, soon sa GMA Prime.

advertisement