Showbiz News

Tom Rodriguez, may ibinuking tungkol sa kanyang rumored girlfriend na si Carla Abellana

By BEA RODRIGUEZ

 

“Exclusively dating” daw ang relationship status nina Kapuso stars Tom Rodriguez at Carla Abellana. Magta-tatlong taon nang magkakilala ang dalawa at walang nakakaalam kung kailan pa silang nagsimulang magligawan.
 
Kuwento ng hunk actor sa Tunay Na Buhay, “Naalala ko, pinakauna ko siyang nakita noong nag-audition ako para sa My Husband’s Lover. Naisip ko, akala ko suplada, strikto, at saka seryosong tao. Iyon pala, ‘pag wala ng mga kamera, ‘pag kayo na lang, napakakulit na tao, napakalambing, and one of the nicest persons with the best heart I’ve ever known.”
 
Pagkatapos ng kanilang high-rating series ay agad nasundan ng isa pang serye na My Destiny ang kanilang tambalan, “Nag-e-enjoy ako lagi katrabaho siya kasi iba ‘yung pakiramdam na nagju-joke [ako kahit] wala akong tulog [tapos] may nag-e-entertain sa mga [corny] jokes [ko], tinatawanan [at] pinagbibigyan.”
 
Mas nakilala niya raw ang aktres nang gawin nila ang pelikulang So It’s You, “That’s the time we really got to know each other na I got to really see who she is. If people could see her unguarded moments, it’s the most precious thing ever, ‘yung carefree lang, ‘yung wala siyang iniisip.”
 
Number one fan raw siya ng Kapuso actress dahil sa tunay na pagkatao at talento nito. Dagdag ni Tom, “I’m in awe. First and foremost, I am a big fan of hers, a big fan of her craft, and I respect her tremendously. I personally have learned so much from her.”
 
MORE ON TOM RODRIGUEZ AND CARLA ABELLANA:

READ: Carla Abellana reveals a special quality about Tom Rodriguez

READ: Who inspired Carla Abellana to get fit?