TV

Snooky Serna, beast mode daw bilang isang ina?

By CHERRY SUN

 

Simula nang magdalaga ang anak ay naging mahigpit siya at maraming ipinagbawal. ‘Yan si Mrs. Evelyn Fresco, ang nanay na gagamapanan ni Snooky Serna sa Dear Uge ngayong Linggo, July 3.

Maagang nabiyuda si Evelyn. Katuwang niya sa pagpapalaki ng kanyang nag-iisang anak na si Angel ang kanyang inang si Mommy Gee (Luz Valdez). 

Nang magdalaga ang kanyang unica hija ay naging beast mode si Evelyn sa pagbabantay rito. Bawal na siyang makipaglaro sa kaibigang lalaki, may nakatakdang curfew, at bawal magsuot ng maiikling damit.

Dahil sa sobrang pagka-istrikta ay maglalayas si Angel. At kasabay ng kanyang pagkawala ay ang pinaghandaang cooking contest ni Evelyn.

Dito na ba eeksena si Eugene Domingo? Paano na kaya?

Subaybayan ang kuwentuwaang ito ngayon Linggo, July 3, sa Dear Uge pagkatapos ng Sunday PinaSaya.