Showbiz News

AlDub, ipinangakong 'worth it' ang pelikulang 'Imagine You & Me'

By MARAH RUIZ

Premiere night na ng 'Imagine You & Me,' ang pinakaaabangang first solo movie ng tamabalan nina Alden Richards at Maine Mendoza sa SM Megamall, ngayong gabi, July 12. 

Todo suporta naman ang kanilang mga fans na karamihan ay nakapila na simula pagbubukas ng mall. Mayroon din lumuwas pa mula probinsya o lumipad pa mula sa ibang bansa, para lang makarating sa premiere night nito.

WATCH: 'Imagine You & Me' Sneak Peek: Andrew, inimbita si Gara mag-date?

Ibinahagi nina Alden at Maine kay 24 Oras entertainment reporter Aubrey Carampel ang nararamdaman nilang excitement bago magsimula ang premiere night. 

"Grabe, nakakaloka! Hindi namin ine-expect na as in talagang mapupuno, halos mapuno, 'yung mall. Sobrang nakakatuwa, sobrang nakaka overhelem na makita silang inabangan kami. Simula kanina nandyan na sila, nakakatuwa. Thank you. Thank you sa lahat! Thank you," pahayag ni Maine. 

"Sobrang sarap sa pakiramdam. I mean, sa tagal ko sa showbiz, hindi ko na-experience 'to. We're so full of happiness and excitement right now. Ang laki ng pasasalamat namin sa lahat ng sumusuporta, na andyan pa rin sila hanggang ngayon. Thank you po," dagdag naman ni Alden. 

LOOK: At the press conference of 'Imagine You & Me'

Ipinangako din ng dalawa na 'worth it' ang paghihintay para sa kanilang first solo movie.

"Sa lahat po ng mga nag-effort para manood ng premiere night, huwag po kayong mag-alala, worth it po itong pelikulang 'Imagine You & Me," pahayag ni Alden. 

"Pangako!" pagsang-ayon naman ni Maine.

Opisyal na mapapanood ang pelikulang Imagine You & Me bukas, July 13. 

MORE ON IMAGINE YOU & ME: 

Alden Richards at Maine Mendoza, excited na sa premiere night ng 'Imagine You & Me' 

READ: Direk Mike Tuviera commends Alden Richards and Maine Mendoza as better actors after wrapping up 'Imagine You & Me'

Alden Richards and Maine Mendoza's movie 'Imagine You and Me,' kilig "to the soul" daw?