Showbiz News

GMA execs, nagsalita patungkol sa resignation ni Ara Mina sa 'Pinulot Ka Lang sa Lupa'

By BEA RODRIGUEZ

Pagpasok pa lang ng Bagong Taon ay pumutok na ang balita na nag-resign umano ang aktres na si Ara Mina sa GMA TV adaptation ng Pinulot Ka Lang sa Lupa kung saan gagampanan niya si Mariz, ang ina ni Angeli Martinez (LJ Reyes) at ang makakalaban ni Diony Esquivel (Jean Garcia).

Pagkatapos ng isang linggo, kapansin-pansin na binura ng dating sexy actress ang kanyang post sa social media na naglalaman ng kanyang statement patungkol sa kanyang resignation.

Bagamat walang binitawang salita si Ara sa kanyang pagbabalik serye, makikita pa rin siya sa mga promotional materials ng upcoming GMA Afternoon Prime soap na ilulunsad na ngayong January 30.

Sa press conference ng show kagabi (January 16), no show ang aktres kaya ang GMA bosses mismo ang inusisa ng media tungkol sa issue.

IN PHOTOS: ‘Pinulot Ka Lang sa Lupa’ premieres this January 30 on GMA Afternoon Prime 

Ayon kay Vice President for Drama Redgie Magno, “’Di pa tapos ‘yung usapan pero nag-uusap na so tinatapos lang ‘yung usapan.”

Kinumpira rin ito ni Senior Vice President for Entertainment Lilybeth Rasonable, “Siyempre, alam ko, nabasa ko eh pero she took it out na so whatever that is, it’s should be between production and the artist na lang. Just wait for it na lang to be resolved, but we are trying to resolve it.”

LOOK: Cast ng ‘Pinulot ka Lang sa Lupa,’ ipinakilala na!