Showbiz News

READ: Ano ang nangyari sa pag-uusap ni Sunshine Dizon at kaniyang Facebook poser?

By AEDRIANNE ACAR

Naging maayos ang naging pag-uusap ng Ika-6 Na Utos actress na si Sunshine Dizon sa kaniyang Facebook poser.

Matatandaan na noong Lunes, March 20 ay nanawagan ang celebrity mom sa Instagram sa taong gumagamit ng mga larawan niya na walang paalam.

READ: Sunshine Dizon may pakiusap sa poser niya sa Facebook

Nagbigay ng update si Sunshine muli sa Instagram kahapon, March 22 at nakausap na niya ang gumawa ng FB account niya na si Princess Evardone Patosa.

Ayon sa Kapuso actress, “Good news na contact na po ako ni @princess041793. It was not her intention to pose as me, fan page pa talaga sya.”

Dagdag niya, “Hopefully we can finally formalize everything and consolidate mga members. Salamat po sa supporta and will announce further updates on how to be a member.”


MORE ON SUNSHINE DIZON:

Sunshine Dizon, kinumpirma ang patuloy na pagbisita ni Timothy Tan sa kanilang mga anak  
   
WATCH: Sunshine Dizon naging emosyonal matapos makaharap sina Timothy Tan at diumano'y third party nito
      
Isa sa mga anak ni Sunshine Dizon may paalala bago ang unang pakikipagharap sa korte kay Timothy Tan at Clarisma Sison