LOOK: Direk Louie Ignacio, proud sa pagkapanalo ni Aiai Delas Alas sa Queens World Film Festival
Ipinagmamalaki ni Direk Louie Ignacio si Aiai Delas Alas para sa kanyang panalo sa Queens World Film Festival bilang Best Female Actor.
LOOK: Aiai Delas Alas, itinanghal na Best Actress sa Queens World Film Festival
Si Direk Louie na naging direktor ni Aiai sa pelikulang Area ang kumatawan sa Philippine Queen of Comedy sa pagtanggap ng award sa New York. Siya rin mismo ang nagbigay ng trophy kay Aiai.
Anang direktor, “At naipasa na ang totoong may ari ng award!!!! Queens World Film Festival Best Actress Ms. Aiai delas Alas (Area) Mabuhay ka! Pinoy pride ka talaga!”
Labis naman ang pagpasalamat at pagmamahal ni Aiai kay Direk Louie.
“Thank you direk sa pagkuha and paghatid ng award ko,” wika niya.
May nakalinya na raw na bagong film project para kay Aiai, ngunit bago ‘yun ay bibida at mapapanood siya sa pelikulang My Mighty Yaya.
MORE ON AIAI DELAS ALAS:
WATCH: Aiai delas Alas, hindi inakalang siya ang magwawagi sa Queens World Film Festival