Showbiz News

WATCH: Paano ang tamang pagtawid ayon kay Sinon Loresca

By MICHELLE CALIGAN

Ilang beses nang rumampa sa mga kalsada ng Bonifacio Global City si Sinon 'Rogelia' Loresca, kaya naman bida siya ngayon sa isang video ng naturang commercial and residential district na nagpapakita ng tamang pagtawid.

WATCH: Sinon Loresca aka Rogelia, ipinakita ang kanyang Miss Universe walk 


Sa kanyang Instagram account, ibinahagi ng Impostora star ang "The King of Catwalk Walks the Streets of BGC" video kung saan suot niya ang kanyang signature blue gown at red 7-inch heels.

"WALK WITH A CAUSE. Doing my share as a BGCitizen," saad niya sa caption.

Sa darating na Sabado, April 29, ay nasa Apollo Club sa Jakarta, Indonesia si Sinon para maka-bonding ang kanyang Indonesian fans.

MORE ON SINON LORESCA:

WATCH: Sinon Loresca breaks own record; walks in 10-inch heels 

LOOK: 'Impostora' star Sinon Loresca, walang arteng sumakay sa MRT para umiwas sa traffic