Showbiz News

Carla Abellana, Tom Rodriguez, and Dennis Trillo go to Thailand to promote 'My Husband's Lover'

By Gia Allana Soriano

Ipapalabas sa Thailand ang My Husband's Lover na pinagbidahan nina Carla Abellana, Tom Rodriguez, at Dennis Trillo noong 2013.

 

Nasa Thailand ngayon ang tatlo para i-promote ang nasabing serye. Very excited naman daw sila sa airing ng show sa ibang bansa.

 

Ang My Husband's Lover ay tungkol sa mag-asawang sina Lally Agatep-Soriano (Carla Abellana) at Vincent Soriano (Tom Rodriguez), at ang ka-love triangle nilang si Eric del Mundo (Dennis Trillo) na secretly in love sa kaibigan niyang si Vincent. Umani ng awards at papuri ang nasabing serye hindi lang dito kundi pati na rin sa ibang bansa.