Showbiz News

WATCH: Paolo Ballesteros, dinumog sa premiere night ng 'Barbi D' Wonder Beki'

By Bea Rodriguez

Dinumog ng fans ang premiere night ng pinagbibidahang pelikula ni Eat Bulaga Dabarkad Paolo Ballesteros bilang si Barbi D’ Wonder Beki.
 
Si Joey de Leon na dati nang gumanap sa title role noong late 1980s to mid-1990s ay ipinasa na ang korona kay Paolo na nag-ala Barbie doll look kagabi, November 28.
 
“Nakaka-excite eh kasi unang-una, it’s my birthday tapos sabay ‘yung showing ng Barbi. Mas na-e-excite ako kasi right after Die Beautiful, ito ‘yung next [movie] ko na ako ‘yung lead,” kuwento ng Kapuso comedian sa panayam ni Lhar Santiago sa Balitanghali.
 
Todo effort ang aktor para raw sa ikakaganda ng show, “Lahat naman ng ginagawa ko, todo lahat when it comes to the looks, and lahat ng mga kailangan gawin. As much as I can, gagawin ko lahat.”
 
Dumalo sa premiere night ang Dabarkads ni Paolo na sina Ruby Rodriguez at Maine Mendoza. Showing na ang Barbi D’ Wonder Beki sa lahat ng sinehan nationwide!

Video courtesy of GMA News