Showbiz News

LOOK: Betong Sumaya at PA ni Alden Richards, nagkapalit?

By Michelle Caligan

Umuwi mula Sydney, Australia sina Alden Richards at Betong Sumaya nitong Lunes, January 22, pagkatapos nilang magtanghal sa mga Kapuso doon.

READ: Alden Richards at Betong, nakabalik na mula sa kanilang Sydney concert

Si Betong, dumiretso daw sa taping ng Bubble Gang pagkadating sa airport, pero ang PA ni Alden na si Mama Tenten Mendoza ang nadatnan ni Paolo Contis sa studio.

 

"Kahapon, pag uwi ni @amazingbetong from Sydney pinadiretso siya sa Bubble Gang taping. Kaso nagkatarantahan yata sa airport, si Mama Tenten ang napadala! @aldenrichards02 bro paki balik sa amin si Betong ha!" saad niya sa caption.

Sumang-ayon naman si Betong na kamukha niya si Mama Tenten dito.