Showbiz News

WATCH: Sheena Halili, sumabak sa photo shoot ng kanyang swimwear line

By Michelle Caligan

Bukod sa pagiging may-ari, si Sheena Halili na rin ang nagsilbing isa sa models ng kanyang swimwear line na Yve Swimwear.

 

Ayon sa ulat ni Nelson Canlas sa 24 Oras, sumalang ang Kapuso actress sa isang photo shoot kung saan suot niya ang sariling creations. Pero paglilinaw ni Sheena, hindi daw ibig sabihin nito na magpo-pose na siya sa men's magazine.

Aniya, "Never po ako nag-pose o nag-cover sa isang sexy magazine. Never pa. Ito rin ang isang way ko kasi na ipakita 'yung other side ko."

Pumasok din siya sa business school para madagdagan ang kaalaman sa pagpapatakbo ng negosyo.

"Sa dami ko rin namang na-try na business before, parang ang kulang talaga sa akin is 'yung knowledge kung papaano talaga magpatakbo ng isang business."

Panoorin ang buong report: