Showbiz News

LOOK: Pauleen Luna, umaming fan ni Kyline Alcantara

By Jansen Ramos

Lubos ang paghanga ng Eat Bulaga Dabarkad na si Pauleen Luna sa Kapuso teen actress na si Kyline Alcantara.

Ipinost niya sa kanyang Instagram story ang selfie nila ni Kyline kung saan tinawag pa niyang Cheska, ang pangalan ng karakter nito sa primetime series na Kambal, Karibal.

 

 

Isa si Pauleen sa mga masusugid na tagasubaybay ng naturang serye. Maaalalang pinuri rin niya ang pagganap ng batikang aktor na si Gardo Versoza bilang Noli sa GMA Telebabad soap.