Showbiz News

READ: Zoren Legaspi, hanga kay Bianca Umali

Words by Jansen Ramos / Interview by Cherry Sun

 

 

Inamin ng nagbabalik-Kapusong si Zoren Legaspi na fan siya ng primetime series na Kambal, Karibal. Bukod kasi sa pagiging cast member ng kanyang asawang si Carmina Villarroel, damang-dama niya ang bawat eksena nito.

READ: Zoren Legaspis feels at home with GMA Network

Gabi-gabi niya itong pinapanood at hindi niya maiwasang maiyak kapag ito'y may mabigat na eksena.

Bahagi niya, "Kagabi nga medyo naiyak ako dahil huwag n'yo na lang ipagkalat, medyo mababa 'yung luha ko pagdating sa mga ganyan kasi namatay 'yung anak ni [Geraldine] tapos lumipat 'yung espiritu. Basta nagka-switch 'yung espiritu kagabi. So, it was very interesting."

Pinuri din niya ang creatives team ng GMA Entertainment Content Group dahil nag-level up na raw ito pagdating sa pitching ng konsepto.

Aniya, "I was very happy also to see GMA doing that kind of shows. Kasi before kapag nag-present ka ng ganyang shows, sasabihin nila dark. Pero ngayon, accepted na 'yung ganyan. So, it's one of those themes na naka-penetrate ngayon. I'm sure may mga ganyang tema na dadating sa mga susunod na soap kasi it's very intriguing at sinusubaybayan."

Bilang direktor, hanga rin siya sa mga aktor ng Kambal, Karibal lalo na lead star nito na si Bianca Umali.

WATCH: Zoren Legaspi magiging direktor din ng ilang shows sa GMA

"Surprised ako sa kanila especially kay Bianca. Parang nahihirapan ako sa kanya parang bawat scene niya, meron siyang mga iyak na continuous. Du'n sa TV 'pag pinapanood mo, parang continuous siya. 'Pag shinut mo 'yun, paputol-putol. So for her to be consistently doing that, mahirap 'yun," ika niya.