Showbiz News

Derrick Monasterio, aminadong malaki ang nagastos kay Barbie Forteza

By Bianca Geli

Sa grand presscon ng Almost a Love Story, umamin si Derrick Monasterio na dalawang beses siyang nanligaw noon kay Barbie Forteza at malaki ang nagastos niya sa panliligaw.

Aniya, “Nanligaw po ako, twice. So gumastos din po ako ng medyo malaki laki.”

Aminado rin naman siyang nagkulang din siya sa ibang aspeto sa panliligaw. Pabiro niyang binaggit, “Kinulang sa bouquet eh. Single stem lang kasi binibigay ko ‘eh. Gusto pala ni Barbie ‘yung bouquet.”

Klinaro naman ni Barbie kung bakit naging “almost” na lang ang kanilang love story ni Derrick at hindi naging sila. “Siguro we’re mature enough to realize na mas matagal kaming magkakasama kung friends.”

READ: Barbie Forteza at Derrick Monasterio, umamin kung bakit hindi naging sila

Sumangayon naman si Derrick at sinabing, “Relationships don’t last.”

Binuko naman ito ni Barbie, “Statement! May hugot ka ba?”

LOOK: Barbie Forteza and Derrick Monasterio's 'Almost a Love Story' movie poster is out!

Mapapanood na ang Almost a Love Story ngayong April 11, sa ilalim ng BG Productions International at Salento Cinema sa Italy, sa direksyon ni Louie Ignacio.