Showbiz News

WATCH: Anjo Yllana, inilaglag ang kaibigan na si John Estrada

Sa episode ng Celebrity Bluff last April 28, isa si John Estrada sa celebrity bluffers at isa naman sa contestants ang kanyang malapit na kaibigan na si Anjo Yllana. 

Sa gitna ng show, tinanong ng host na si Eugene Domingo si Anjo kung paano ba manligaw ang isang John Estrada. 

"Dinadaan niya sa humor," ang mabilis na sagot ni Anjo. "Magaling bumoka, yan si John."

Sundot ni Uge, "Binobola ba [ni John]?"

Alamin ang sagot ni Anjo at ang ganti naman ni John sa pambibisto at panlalaglag sa kanya ng kaibigan.