Showbiz News

EXCLUSIVE: 'Lumen's Twins' Charlotte at Charice Hermoso, umaming bumaba ang self-esteem nang iwan nila ang showbiz

By Michelle Caligan

 

Siyam na taon na ang nakakalipas mula nang huling napanood sa isang teleserye sina Charlotte at Charice Hermoso, ang kambal na unang nakilala bilang mga anak ni Lumen sa Surf commercials.

EXCLUSIVE: 'Kapuso Mo, Jessica Soho,' naging daan para makabalik sa showbiz ang "Lumen's twins"

Ngayong 19 years old na sina Charlotte at Charice, sila ay muling mapapanood sa upcoming primetime series na Inday Will Always Love You na pagbibidahan ni Barbie Forteza.

Pero hindi naging madali ang kanilang desisyon na bumalik sa showbiz.

"Napunta po kami sa point na parang bumaba ang self-esteem namin. Ako inisip ko na baka mas okey na lang na mag-aral ako," kuwento ni Charlotte sa isang exclusive interview with GMANetwork.com.

Pagpatuloy niya, "Tapos si Charice, nag-take siya ng risk, nag-modeling siya kahit na freelance lang. Talagang [nagpursige] siya. So naisip ko, bakit niya pinu-pursue? Nung nag-try ako, doon ko po na-realize na baka 'yung puso talaga namin nasa ganitong industry."

Dahil parehong nasa kolehiyo, sinusubukan ng kambal na balansehin ang kanilang pag-aaral at pag-aartista.

Ani Charice, "Very understanding naman po 'yung school namin kasi pinapayagan naman po nila kami as long as kaya naming ihabol 'yung mga hindi namin nagawang projects and homework."

"At nami-maintain din naman po namin ang grades namin," dagdag ni Charlotte.