Showbiz News

WATCH: Carla Abellana, unang Kapuso na magiging bahagi ng Mabuhay Festival sa San Diego, California

By Bea Rodriguez

 

Mga Kapuso sa California, abangan natin si Kapuso star Carla Abellana!

Magiging bahagi ng Philippine Independence Day celebration sa Amerika ang GMA actress. Tampok ang aktres sa Mabuhay Festival sa Sabado, June 2, na gaganapin sa Kimball National Park sa San Diego.

Siya ang kauna-unahang Kapuso star na magigung bahagi ng naturang piyesta kaya aminadong kinakabahan siya.

Saktong sa Independence Day din isinilang ang aktres kaya advance niyang ipagdiriwang ang kanyang pagiging “Proud to be Pinoy, Proud to be Kapuso.”

Ani Carla sa Balitanghali, “First time magkakaroon ng isang GMA artist na magiging part ng Mabuhay Festival diyan sa San Diego so parang mas nakakakaba. Mixed emotions [na] parang happy and honored at the same time medyo kinakabahan.”

Dadalo naman sa Vallejo, California sina Kris Bernal at Rocco Nacino habang Independence Day celebration naman sa Canada ang punta nina Solenn Heussaff at Betong Sumaya.