Showbiz News

EXCLUSIVE: Rhian Ramos, break na sa kanyang non-showbiz boyfriend

By Bea Rodriguez

Single na ulit ang sexy Kapuso star at Taste Buddies host na si Rhian Ramos. Hiwalay na umano siya sa kanyang Filipino-Chinese non-showbiz boyfriend of three years na si Jason Choachuy.


Una itong ibinunyag ng 27-year-old actress sa eksklusibong panayam ng GMANetwork.com sa GMA Anniversary Thanksgiving party noong Biyernes, July 6 sa Manila Polo Club.

“Love life? Actually, I don’t have one right now. That’s the first time I said it. You know, it’s kind of not my biggest focus at the moment. I feel very lucky to have lots of different kinds of love in my life,” bahagi ni Rhian na bahagyang ikinagulat namin.

“I’ve been focusing on a lot of movies lately. I have one coming out in August called The Trigonal. I have another coming out in October, and I’m shooting another one right now with TBA [Studios] and Arkeo Films,” kuwento ng Kapuso actress-host.

WATCH: Rhian Ramos, mapapanood sa dalawang upcoming action films

Ang The Trigonal: Fight for Justice ay ang action film na kinunan sa Negros Occidental at ang TBA Studios movie na wala pang titulo ay ang romantic-comedy na pelikula kung saan makakapareha niya ang kanyang executive co-producer na si JM de Guzman.

Noong nakaraang buwan, sinabi ng dating The One That Got Away star sa isang panayam na hindi pa siya handang magpakasal sa kanyang businessman boyfriend kahit na nakikita niya ito bilang ang kanyang “the one.”