Showbiz News

READ: Gretchen Barretto, sinagot ang paratang na diumano ay sumasawsaw siya sa issue ni Kris Aquino

Hindi pa tapos ang issue ni Gretchen Barretto at Kris Aquino na matatandaang nag-ugat sa pag-side ng una sa dating project manager ni Kris.

Gretchen Barretto

Sa kanyang Instagram live session noong January 18, nagpahayag ng saloobin si Gretchen kaugnay ang maraming bagay.

Kuwento ni Gretchen, nagagalit umano si Kris dahil kaibigan nito ang isang babaeng nagngangalang Alice Eduardo. Nilinaw ni Gretchen na isa lamang umano ito sa napakaraming rason kung bakit hindi siya titigil sa pagsasalita tungkol kay Kris.

"Ako hindi ako nakikisawsaw sa buhay ng ibang tao kung hindi naman sinasawsaw ang buhay nila sa akin. Many times over, nagsawsaw po ang isang Kris Aquino sa buhay ko."

Dito na nagpatuloy ang kuwento ni Gretchen: "Let's talk about the taxpayer's money. Unang una kasi hindi naman niya binanggit kung ano 'yung totoo. Hindi ko ibabanggit 'yung totoo hangga't hindi niya aminin ang totoo. Ako naman kasi, I've always been transparent. I don't have reason to lie. I don't want to lie. It's easier to say the truth."

Ipinaliwanag ni Gretchen ang totoong dahilan sa mga taong nagsasabing sumasawsaw umano siya sa issue ni Kris. Aniya, "Ano ba sinasabi ng ating pinakamamahal na Drama Queen na Kris Aquino? Ang sinasabi niya nadamay siya. Hindi po siya nadamay. Dinadamay niya ang sarili niya. Kung sinasabi niyo sawsawera ako, mas sawsawera po siya. Hindi po ako nagsasawsaw sa suka kung hindi niya sinasawsaw ang kanyang buhay sa aking buhay. Ako po ay nananahimik matagal na."

Dito na ibinahagi ni Gretchen ang kanyang nalalaman tungkol sa ugnayan nina Kris at Alice. Kuwento ni Gretchen, "Si Alice Eduardo po, many years ago, a few years ago, had trouble with her tax. I don't want to say it but I will say it anyway because that's me. Ako po 'yan. Nagkaproblema si Alice Eduardo sa tax niya po dito sa Pilipinas. She was being charged a lot. Hundreds of millions or billions of pesos po at tinulungan po ni Kris Aquino kay Kim Henares if I'm not mistaken po, para mapababa ang kanyang ibababayad kay Kim Henares o sa gobyerno po natin. 'Yun po ang nangyari. At that time I was having tampuhan with her sister which I now I refuse to even say her name."

Dagdag pa ni Gretchen, "Kris, kung talagang mahal mo ang Pilipino at ang buong Pilipinas sana prinotektahan mo ang mamamayang Pilipino. Because at that time na your brother "abnoy" was in power, he was the President of the Philippines. Eh 'di ba dapat kung kailangan magbayad si Alice Eduardo ng kanyang tax na tayo mga Filipino people ang talagang, how do you say it in Tagalog, we will reap the benefits. Pero alam mo tinulungan kasi ni Kris Aquino at that time si Alice Eduardo sa kanyang tax na bumaba ang bayad sa tax niya. Alam namin 'yun dahil pinagkakalat din ni Alice Eduardo at ng kanyang mga kapatid na tinulungan siya ni Kris Aquino at ang halaga lang daw is binabayaran lang daw ng mga pinagsha-shopping ni Gary the gay friend from L.A. Gary Garcia from L.A., parang he would buy things from the States and send it to Kris Aquino. Of course I felt so bad, because alam mo for whatever 'yung mga pinag-sha-shopping lang, 'yun lang? Parang ha? And she was supposed to pay a hefty amount. Doon pumupunta. Pero one of the many reasons lang 'yun, mga kaibigan."

Mismong si Gretchen na rin ang nagsabi na hindi siya titigil sa pagsasalita kahit pa sinasabihan na siya na tumigil na.

"No, I'm not going to stop. You know, I am a Filipino. We all pay taxes. We all work very hard my point is, prinotektahan ni Kris Aquino when she was in power and when she was saying, "I love ate Alice." Whatever girl, you love her so much. You know in exchange of like bags and clothes and shoes. And that's so not fair. And right now, I hate to gloat that you're suffering right now. I mean we don't like that. We don't gloat when somebody is suffering because that is karma. But right now that is what's happening..."