Showbiz News

WATCH: Jo Berry at iba pang Kapuso stars, dumalo sa baby shower ni Rochelle Pangilinan-Solinap

By Aaron Brennt Eusebio

Hindi nawala ang mga ka-trabaho ni Rochelle Pangilinan-Solinap sa Onanay sa ginanap na baby shower para sa baby girl nila ni Arthur Solinap.

Arthur Solinap and Rochelle Pangilinan

Excited na si Jo Berry para sa magiging baby girl Solinap samantalang tuwang-tuwa naman si Andrea Torres na magiging ninang na siya.

“Good health sila ni Kuya Art para maalagaan nila nang mabuti si baby girl Solinap,” saad ni Jo.

Ayon naman kay Andrea, ready na siya magkaroon ng inaanak.

“Gusto ko na magkaroon ng inaanak, ready na ako maging tita,” ani Andrea.

“Ang wish ko doon sa baby nila is lumaki siyang katulad nila na God-fearing, napaka mapagmahal sa kapwa. And kung ano 'yung dreams niya, sana ma-achieve niya 'yon.”

Present din si GMA executive Lilybeth G. Rasonable at ang co-star ni Arthur sa Pepito Manaloto na sina Michael V, John Feir at Ronnie Henares.

Panuorin ang buong report ni Aubrey Carampel sa 24 Oras: