Showbiz News

WATCH: Susan Enriquez, nakita ang incorrupt body ni Padre Pio

By Cara Emmeline Garcia

Limang oras mula sa Rome, mapupuntahan ang bayan ng San Giovanni Rotondo kung saan makikita ang labi ni Padre Pio sa Santuario Di Padre Pio.

Susan Enriquez

At sa unang pagkakataon, nakita nang malapitan ni Unang Hirit anchor Susan Enriquez ang incorrupt body ng nasabing santo.

Ani Susan, kung ikukumpara sa relics na dumarating sa Pilipinas, mas kakaiba raw ang pakiramdam na makita nang buo ang katawan ni Padre Pio.

“Iba 'yung pakiramdam. 'Yung nasa Eastwood at Batangas, 'yung nakikita mo, bahagi lang .

“Pero ito buo eh - 'yung kabuuan. Parang alam mong nandiyan lang siya at maidudulog mo 'yung panalangin mo sa kaniya.

“I feel so blessed na naibigay ang ganitong pagkakataon na makita natin itong mismong buong katawan ni Padre Pio.”

Panoorin ang ulat ni Susan Enriquez.

WATCH: Susan Enriquez, naiyak nang makita si Pope Francis sa Vatican