Showbiz News

WATCH: Ilang young Kapuso stars, ibinida ang sexy figures sa isang summer-themed pictorial

By Cara Emmeline Garcia

Hindi nagpatalo sa init ng panahon ang ilang young Kapuso stars sa hot na hot na summer-themed pictorial noong May 2.

Kristoffer Martin, Julie Anne San Jose and Sanya Lopez

Mapa-gym man o pool side ibinida nina Sanya Lopez, Julie Anne San Jose, Kelley Day, Shaira Diaz, Migo Adecer, Gil Cuerva, Manolo Pedrosa, at Kirstoffer Martin ang kanilang summer bodies.

Julie Anne San Jose's tips for a great summer body

Ang iba sa kanila, galing pa sa taping ng kani-kaniyang Kapuso shows. Isa na dito si Sahaya actor Migo.

Aniya, “My summer has been a very hot and scorching one, grabe.

“Especially since nag-start po kami ng Sahaya, laging nasa Batangas kami.

“Nangitim na 'yung skin ko! Haha!”

Nagpahayag naman ang iba ng excitement na makita ang resulta ng photo shoot.

Pahayag ni Sanya, “Ang gaganda ng mga shots, e.

“Actually mas nae-excite ako na makita sila after na.”

Pangiting sinabi naman ni Julie Anne: “Excited na rin ako sa kakalabasan ng shots.”

Silipin ang behind-the-scenes ng summer-themed pictorial sa chika ni Lhar Santiago:

WATCH: Stylish tips for your upcoming summer #OOTD

LOOK: How to ace the “lying down on the beach” pose