Showbiz News

Public viewing para sa yumaong Eddie Garcia, magsisimula mamayang alas-3 ng hapon

Mula sa Makati Medical Center kahapon, idiniretso sa Heritage Park sa Taguig ang labi ng beteranong aktor na si Eddie Garcia para i-cremate.

Eddie Garcia

Ito raw ay alinsunod sa kahilingan ni Garcia noong nabubuhay pa siya.

Kinumpirma ito ng kaniyang stepson na si Rep. Mikee Romero, “He wishes to be cremated right away from his deathbed. So, 'yun din po ang pasya ng nanay namin na ma-cremate po siya.

“Si Tito Eddie po, doesn't want a long wake. In fact, he wants it na matapos na by Sunday.

“So lahat ng fans po niya, can be there and we'll finish it by Sunday.”

Inanunsyo ng pamilya ni Garcia na sa alas-3 ng hapon, June 21 ay bubuksan ang gate ng Heritage Park para makita ng mga tagahanga ni Manoy ang labi nito.

Inaasahan din dumating ngayong araw ang pamilya at kaibigan ng yumaong aktor para makiramay at alalahanin ang buhay ng nag-iisang Eddie Garcia.

Mga 4:55 PM kahapon nagtapos ang pakikipaglaban ng aktor para sa kaniyang buhay. Labindalawang araw siyang naka-confine sa Intensive Care Unit (ICU) ng Makati Medical Center pagkatapos magtamo ng neck fracture sa isang taping sa Tondo.

Remembering Manoy: The beautiful life of Eddie Garcia

Eddie Garcia played over 600 roles in showbiz career that spanned seven decades