Showbiz News

WATCH: Cherie Gil at Vilma Santos, iminumungkahi na kilalanin bilang National Artist si Eddie Garcia

By Cara Emmeline Garcia

Sa halos pitong dekadang kontribusyon ng yumaong Eddie “Manoy” Garcia sa larangan ng show business, 'di malilimutan ang roles na ginampanan niya - mapabida man o kontrabida.

Eddie Garcia

Kaya naman ang hiling ng mga nakasama ni Eddie sa showbiz ay hirangin siya bilang isa sa mga National Artist ng bansa sa larangan ng pelikula. Kabilang sa nagmumungkahi nito ay sina Batangas Rep. Vilma Santos at StarStruck council member Cherie Gil.

Ayon kay Vilma, nararapat lamang na ibigay kay Eddie ang parangal dahil “kung meron man tayong dapat hangaan ay up to his last breath ay nasa show business siya.”

“It's long overdue” naman ang pahayag ni Cherie Gil dahil “he has given so much of himself to all of us. At para sa akin National Artist na siya.”

Iilan pa lamang ang kabilang sa listahan ng Pambansang Alagad ng Sining para sa larangan ng pelikula. 'Yan ay sina Lino Brocka, Ishmael Bernal, Gerardo de Leon, Eddie S. Romero, Manuel Conde, Kidlat Tahimik, at Fernando Poe Jr.

Ang National Artist o Pambansang Alagad ng Sining ay ang pinakamataas na pagkilala sa mga indibidwal na malaki ang kontribusyon sa larangan ng sining. Ito ay ginagawad ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA) at Cultural Center of the Philippines (CCP) na ipinagkakaloob ng Pangulo ng Pilipinas.

Panoorin ang buong ulat ni Nelson Canlas:

LOOK: Eddie Garcia honored by Philippine Army in memorial service

Remembering Manoy: The beautiful life of Eddie Garcia