Showbiz News

WATCH: Kris Bernal, excited na gumanap bilang kontra-bida sa 'Hanggang Sa Dulo Ng Buhay Ko'

By Bianca Geli

Malapit nang mapanood ang GMA Afternoon series na Hanggang Sa Dulo Ng Buhay Ko, na pagbibidahan nina Kris Bernal, Megan Young, Rayver Cruz, at Kim Domingo.

Kris Bernal

Sa naganap na press conference noong Lunes, June 8, ibinahagi ni Kris ang kanyang tuwa na gumanap bilang ang kontra-bida sa unang pagkakataon.

Aniya, “Nagmahal ako, iniwan ako, nabaliw, nagpakamatay, nagmulto.

“Iyakan na nakakabaliw, alam mo yun?

“Ang dami kong kailangang isipin at ibigay na emosyon sa isang eksena pero gusto ko yun, e, at yun yung gusto kong challenge.”

READ: Sino ang favorite ka-love team ni Kris Bernal?

Bibigyang buhay ni Kris ang karakter ni Naomi, ang babaekng gagawin ang lahat mabawi lang ang kaniyang pinakmamahal na si Mateo (ang karakter ni Rayver) kahit sumakabilang buhay na siya.

Kasama rin sa cast sina Boots Anson-Roa, Charmaine Arnaiz, Francine Prieto, Euwenn Aleta, at Beverly Salviejo

Abangan ang nakakataas balahibong serye na Hanggang sa Dulo Ng Buhay Ko simula July 22, Lunes hanggang Biyernes, pagkatapos ng Eat Bulaga!

Panoorin ang buong ulat ni Aubrey Carampel:

IN PHOTOS: At the 'Hanggang Sa Dulo Ng Buhay Ko' media conference

WATCH: 'Hanggang Sa Dulo Ng Buhay ko' cast, ibinahagi ang kani-kaniyang greatest fears sa 'Unang Hirit'