Showbiz News

WATCH: Gilas Pilipinas, sasabak na sa FIBA World Cup 2019

By Cara Emmeline Garcia

Ilang araw na lang sasabak muli sa international stage ang Gilas Pilipinas.

Isang press conference ang idinaos na siya ring naging send off ng buong Philippine team bago sila lumipad patungong China para sa FIBA World Cup 2019.

Ayon kay Al Panlilio, President ng Samahang Basketball ng Pilipinas, "We want to aim to play hard, compete, and show the world the kind of basketball Filipinos play.

"And the fans, especially, how they support the team."


Ito ang ikalawang sunod na appearance ng Pilipinas sa FIBA World Cup.

Sa 12 lumaban noong 2014 sa Spain, lima na lang ang natira sa team kaya naman sinusubukan nilang punan ang papel na naiwan ng Gilas veterans.

Ito rin ang inamin ng head coach ng kupunan na si Yeng Guiao.

Aniya, "I already know it's going to be tougher but tingnan natin kung gagana 'yung pa-puso-puso natin.

"Gamitan na lang natin ng puso."

Makakaharap ng Gilas Pilipinas ang kupunan ng Serbia, Italy, at Angola sa first group stage ng FIBA World Cup.

Bilang paghahanda magkakaroon sila ng tune up games kasama ang Australia bilang pagkikita ng good will at para makalimutan na ang gulong nangyari noong 2018 na humantong sa suntukan ng players, coaches, at fans ng parehong teams.

Panoorin ang buong ulat ni Mav Gonzales:

READ: Gilas Pilipinas players issue apology over FIBA World Cup Asian Qualifiers brawl

Celebrities react to Gilas Pilipinas-Boomers brawl at FIBA World Cup Qualifiers