Showbiz News

WATCH: Gilas Pilipinas, gagawing challenge ang binitawang salita ni Duterte

By Cara Emmeline Garcia

Gagawing motibasyon ng Gilas Pilipinas ang binitawang salita ni Pangulo Rodrigo Duterte kamakailan na hindi raw ito mananalo laban sa Italy.

Gilas Pilipinas

Ayon sa grupo, na lumipad na patungong China ngayong umaga, August 29, nacha-challenge raw sila na galingan pa ang kanilang overall performance sa darating na 2019 FIBA World Cup lalo na't manonood ang pangulo.

Pahayag ni Yeng Guiao, head coach ng basketball team, “Natutuwa kami na manonood siya.

“Sa amin, hindi namin tinitignan yan na pressure 'yan sa amin.

“Tinitignan namin 'yan parang suporta, parang pagpapatunay na kahit na may sinabi siya noong araw, e, alam naman namin sa puso niya na gusto niya tayong manalo.

“Sana po ipagdasal po nila kami.

“Sana po 'yung kanilang positibong mga thoughts, 'yung sinasabi nating 'positive thoughts and a lot of prayers.'

“Sana mag-cheer sila kahit sa TV lang.”

Makakaharap ng Gilas Pilipinas ang koponan ng Serbia, Italy, at Angola sa first group stage ng FIBA World Cup.

Bilang paghahanda, magkakaroon sila ng tune up games kasama ang Australia bilang pagkikita ng goodwill at para makalimutan na ang gulong nangyari noong 2018, na humantong sa suntukan ng players, coaches, at fans ng parehong teams.

Panoorin ang buong ulat ni Vonne Aquino:

WATCH: Gilas Pilipinas, sasabak na sa FIBA World Cup 2019

Alyssa Valdez to Kiefer Ravena: “You waited long enough.”