Showbiz News

LOOK: Mikael Daez sports new look for upcoming series 'Love of My Life'

By Jansen Ramos

Kapansin-pansin ang new look ni Mikael Daez nang dumalo siya sa launch ng sarili niyang collection para sa ineendorsong underwear brand na Hanford kahapon, August 22, sa Nehemiah Center, The Arete Square sa Quezon City.

Mikael Daez designs own collection for underwear brand

Kadalasang clean-shaven looking si Mikael, pero ngayon ay pinalago niya ang kanyang facial hair para sa kanyang role sa upcoming family drama series na Love of My Life.

LOOK: Megan Young introduces "Zaddy Fofo"

Bahagi niya sa isang panayam, "Kinausap ako ng mga GMA executives at sabi nila, 'Mik, gawa tayo ng bagong look.'

"So, may nag-suggest na blonde hair, gray hair, sabi ko, 'Teka lang, 'di ko alam kung ready na ko d'yan.'

"Pero the thing is, I never grown out my facial hair kaya sabi ko, 'Sige gan'to na lang muna tayo,' and true enough, I look very, very different."


May pagkarebelde ang kanyang character sa Love of My Life kaya ibinabagay niya ito sa kanyang look.

Kuwento ng 31-year-old actor, "Medyo pasaway talaga 'yung character ko and babalik siya do'n sa pamilya niya after a lot of problems that already happened."

Makakasama ni Mikael sa serye ang drama actresses na sina Carla Abellana, Rhian Ramos, at Coney Reyes kaya asahan daw na unang eksena pa lang ay mapapaluha na ang mga manonood.

Aniya, "Maraming drama right off the bat pa lang, so paano namin maso-solve 'yung drama na 'yun, 'yung problema ng pamilya, at problema ng mga babae na papasok sa pamilya na sina Carla, Rhian, and Coney.

"So, it's a very intimate drama, and I'm very excited."

Abangan ang Love of My Life sa GMA Telebabad, soon.

Carla Abellana at Rhian Ramos, muling magsasama para sa family drama series na 'Love of My Life'