advertisement
Showbiz News

IN PHOTOS: Mga artistang magkaaway noon, nagkabati na ngayon

1 of 45

Barretto Sisters then

Mahigit kalahating dekada rin ang itinagal ng hidwaan ng magkapatid na sina Gretchen at Claudine Barretto, na nagdulot pa ng pagkakahati ng kanilang pamilya.

2 of 45

Gretchen and Claudine now

Nitong Linggo, February 17, maraming fans ang natuwa nang makitang magkasama ang magkapatid na sina Gretchen at Claudine sa Solaire Resort and Casino. Sa Instagram live video ni Gretchen, maririnig si Claudine na nagsabing, “I'm very, very happy tonight because I am with my ate.”

3 of 45

Gutierrez brothers

Ni-reveal ni Ruffa Gutierrez sa isang morning talkshow na minsan nagkalamat ang relasyon ng celebrity twins na sina Raymond at Richard Gutierrez.

advertisement
4 of 45

 Girlfriend

Nagkaroon ng problema ang magkapatid,matapos makipaghiwalay si Richard sa ex-girlfriend niya na kaibigan naman ni Raymond. Ayon pa kay Ruffa, isang taon daw na hindi nag-usap ang dalawa. Pero all in the past na para sa kambal ang mga nangyari.

5 of 45

Kris & Noynoy rift

The Queen of All Media Kris Aquino made a revelation in her Instagram post following the hospitalization of her eldest son Josh. According to Kris, she and her only brother, former President Noynoy Aquino, were not okay for the past three months. She wrote, “My brotherand I have had a complicated relationship, siguro po kasi only son and middle child siya, bunso ako. Siguro rin kasi aminadong opposites talaga kami- tahimik sya, pribado, iniisip mabuti ang bawat galaw. Alam nyo na kung ano ako. Dahil #satruelang, three months po kaming hindi okay. Kasalanan ko po'yun.”

6 of 45

Josh Aquino

The TV host/actress finally asked her eldest brother to see Josh who was confined at the hospital. Kris expressed her profound gratitudeto his brother who came to his son's rescue. “Naipit yung two boys ko - alam nilang 'di okay kaya pinili na 'wag dumalaw at 'wag iwan si mama... Ang pinaka nag-suffer si kuya Josh. Sa bawat pag ospital - si Tito Noy was always there. Kinapalan ko po ang mukha ko today - nag-text ako. Umamin na alam kong na hurt ko siya pero nakiusap- KAILANGAN sya ni kuya Josh. My son needed him - the ONLY constant male figure in his life. From afar, Itook this picture. Sharing w/ you because ito kami- PAMILYA na kagaya n'yong lahat. Kayang isantabi lahat ng tampuhan dahil hindi mag iiwanan.”

advertisement
7 of 45

Kris Aquino & Vice Ganda

8 of 45

Marian and Katrina then

Unang lumabas ang balitang may namuong alitan sa pagitan nina Marian Rivera at Katrina Halili nang magsama sila sa 'Marimar.' Muling nabuhay ang issue nang magkatrabaho sila ulit sa 'My Beloved.'
 

9 of 45

Marian and Katrina now

Nagkaayos din ang dalawa at ninang pa ng anak ni Katrina na si Katie si Marian. Kinuha rin ni Marian bilang flower girl si Katie sa kasal nila ni Dingdong Dantes.
 

advertisement
10 of 45

Marian and Lovi then

Nasangkot naman sina Marian Rivera at Lovi Poe sa isang snubbing issue. Ayon sa balita, nakasalubong daw ni Lovi sina Marian at Dingdong pero si Dingdong lamang ang binati nito. Nang magkasama naman sina Marian, Lovi, at Solenn Heussaff sa Sunday All Stars, si Solenn lang din daw ang binati ni Marian.
 

11 of 45

Marian and Lovi now

Sa 15th anniversary party ng YES! Magazine last year ay nagpansinan na ang dalawang aktres. Sa interview ni Lovi sa Startalk, inamin niyang siya ang lumapit at nagbeso sa Primetime Queen.

12 of 45

Ruffa and Annabelle then

Mag-ina man ay madalas nagkakaroon ng hindi pagkakaunawaan sina Ruffa Gutierrez at Annabelle Rama. Kadalasan ay ang love life ng kanyang panganay ang nagiging ugat ng kanilang away.
 

advertisement
13 of 45

Ruffa and Annabelle now

Ilang beses man silang away-bati, nangingibabaw pa rin ang pagiging ina ni Annabelle sa kanyang mga anak. Sa ngayon ay maayos na ang kanilang relasyong mag-ina.
 

14 of 45

Ara and Cristine then

Umabot sa korte ang away nina Ara Mina at Cristine Reyes nang sampahan ni Ara ng kasong libel at grave coercion ang kanyang nakababatang kapatid.
 

15 of 45

Ara and Cristine now

Hindi nagtagal ay nagkapatawaran din ang magkapatid. Pinagtanggol din ni Ara si Cristine sa hidwaan nito kay Vivian Velez noon.

advertisement
16 of 45

Assunta and Alessandra then

Nagkaroon ng gap at hindi nag-usap sina Assunta at Alessandra de Rossi nang magkaroon ng relasyon si Assunta kay Congressman Jules Ledesma. Walang dumalong kamag-anak si Assunta sa civil wedding nila ni Jules noong November 2002.
 

17 of 45

Assunta and Alessandra now

Kumpleto na ang pamilya ni Assunta sa church wedding nila ni Jules noong March 2004. Si Alessandra pa ang nagsilbing maid of honor ng kanyang ate.

18 of 45

Kim and Maja then

Nagsimula ang tampuhan sa pagitan nina Kim Chiu at Maja Salvador nang pumutok ang balita na ang ex-boyfriend ni Kim na si Gerald Anderson ay boyfriend na ni Maja.
 

advertisement
19 of 45

Kim and Maja now

Sa isang interview ni Kim noong October 2015, ikinuwento niyang unti-unti nang nanunumbalik ang dating pagkakaibigan nila ni Maja.
 

20 of 45

Hayden, Vicki, and Katrina then

Nagkasiraan sina Dr. Hayden Kho, Jr., Dr. Vicki Belo at Katrina Halili nang lumabas ang video scandal na kinasangkutan nina Hayden at Katrina.
 

21 of 45

Hayden, Vicki, and Katrina now

Pagkatapos ng pitong taon, nagkapatawaran at nagkaayos na ang tatlo

advertisement
22 of 45

Aiai and Kris then

Malapit na magkaibigan sina Aiai Delas Alas at Kris Aquino noon. 'Friendship' pa nga ang tawagan nila sa isa't isa. Nagkalamat ang kanilang pagkakaibigan nang magkaroon sila ng matinding tampuhan.
 

23 of 45

Aiai and Kris now

Naging daan and kasal nina Marian Rivera at Dingdong Dantes para magkaayos sina Kris at Aiai. Isa si Kris sa mga ninang ng DongYan habang kasali naman sa secondary sponsors si Aiai

24 of 45

John, Randy, and Willie then

Hosts ng isang noontime show sa Kapamilya network noon sina John Estrada, Randy Santiago at Willie Revillame. Hindi nagustuhan ni Willie ang pagtanggap nina John at Randy sa offer ng network na maging hosts sila ng bagong show gayong may inaayos siyang show para sa dalawa sa TV5.
 

advertisement
25 of 45

John, Randy, and Willie now

Halos dalawang taon ding hindi nag-usap sina John at Willie, pero nagkaayos din sila sa burol ng ama ni John na si Vicente. Si Randy naman ngayon ang direktor ng programa ni Willie na Wowowin

26 of 45

Heart and Cecilia then

Hindi ikinatuwa ng mga magulang ni Heart Evangelista, lalo na ng kanyang inang si Cecila Ongpauco, ang pagkakaroon niya ng relasyon kay Senator Chiz Escudero. Wala rin sila sa kasal ng dalawa noong February 2015 sa Balesin.
 

27 of 45

Heart and Cecilia now

Isa sa mga ipinagpasalamat ni Heart noong nakaraang taon ay ang pagkakaayos nila ng kanyang mga magulang at ang pagtanggap nila kay Sen. Chiz bilang asawa niya

advertisement
28 of 45

Claudine and Jay Jay then

Nagkaroon ng matinding away ang magkapatid na Claudine at Jay Jay Barretto noong 2013 nang maglabas ng isang sulat ang kanilang ina na pinupuri si Claudine at sinisiraan naman si Gretchen.

29 of 45

Claudine and Jay Jay now

Pagkatapos ng apat na taon, nagkaayos na ang magkapatid. Nag-post pa sa Claudine ng larawan nilang magkakasama sa isang restaurant

30 of 45

Sharon and Gabby then

Dalawang beses ikinasal sina Gabby Concepcion at Sharon Cuneta noong 1984. Una sa isang secret civil wedding on July 23 na sinundan ng church wedding sa Manila Cathedral on September 23. Naging mapait ang paghihiwalay ng ShaGab noong 1987.

advertisement
31 of 45

Sharon and Gabby now

Matapos ang mahigit 30 taon, naging magkaibigan na muli ang dalawa. Kamakailan lang kinilig ang kanilang fans nang mag-post si Gabby ng kanyang birthday message para sa Megastar.

32 of 45

Mark Anthony and Claudine Barretto then

Teenagers pa lang ang dalawa nang maging magkasintahan sila. Ngunit hindi nagtagal ang kanilang relasyon at noong late '90s tuluyan na nilang tinapos ang kanilang ugnayan. Ayon sa aktres, dumating na sa puntong nagkakasakitan na sila.

33 of 45

Mark Anthony and Claudine now

Matapos ang maraming pagsubok sa kani-kanilang personal na buhay, muling nagkrus ang landas ng dalawa kamakailan sa opisina ng Viva Entertainment. Ipinagtanggol din ng aktres si Mark laban sa mga malisyosong fake news na kinakasangkutan ng aktor.

advertisement
34 of 45

Kris Aquino and Sharon Cuneta then

Nagkaroon ng issue sina Kris Aquino at Sharon Cuneta noong 2012 nang mapagkamalan ng Megastar ang parody "Krissy" sa isang blog bilang ang totoong Queen of All Media. Sinabi kasi si Krissy na hindi siya follower ni Sharon sa social media, na sinagot naman ni Sharon ng "Di ko rin naman sya fina-follow ever." Nag-sorry si Sharon kay Kris nang malaman ang totoo.

35 of 45

Kris Aquino and Sharon Cuneta now

Ibinalita ni Kris sa kanyang Instagram account ang renewed friendship nila ni Sharon. Kinumpirma ito ni Sharon nang batiin niya si Kris sa kaarawan nito noong February 14.

36 of 45

Marian Rivera and Karylle then

Isa sa biggest showbiz controversies noon ang paghihiwalay nina Dingdong Dantes at Karylle, at pag-uumpisa ng relasyon ng Kapuso Primetime King kay Marian Rivera.

advertisement
37 of 45

Marian Rivera and Karylle now

38 of 45

 Kakai Bautista and Ahron Villena then

Pumutok ang alitan nina Kakai at Ahron noong nagkalabuan na ang rumored "best friends." Nagsilabasan sila ng kani-kanilang mga sentimento. Inamin ng komedyante na nahulog siya sa aktor at tila umasa siya sa pag-ibig nito. Ngunit, matalim ang mga binitawang salita ng hunk aktor bilang reply sa interviews ng aktres: "Naging tayo ba?" at "There was never an us."

39 of 45

Kakai Bautista and Ahron Villena now

Nitong mga nakaraang araw, inilabas nina Kakai at Ahron ang ilang teasers ng kanilang pinagbibidahang pelikula. Makikita sa mga litrato na tila nagkamabutihan na ulit ang dalawa. Ika nga, time heals all wounds.

advertisement
40 of 45

Sunshine Dizon and Timothy Tan

Nagsimula bilang magkaibigan at naging mag-asawa sina Sunshine Dizon at Timothy Tan. Ikinasal sila noong at 2010. Biniyayaan sila ng dalawang anak, sina Doreen at Anton, ngunit noong 2016 nag-hiwalay ang dalawa dahil diumano sa isang third party.

41 of 45

Starting over

Nitong 2018, sa birthday ng kanilang anak na si Doreen ay nagkabati ang dalawa. Inuurong na rin ni Sunshine ang kasong concubinage at Violence Against Women and Children laban sa kanyang asawa. Nag-post din si Sunshine sa kanyang Instagram tungkol sa pagpapatawad at sa pagiging mabuting ama ni Timothy kamakailan lamang.

42 of 45

Mother and sons

Naging estranged ang relationship ng magkapatid na Andre at Kobe Paras sa kanilang inang si Jackie Forster matapos ang hiwalayan nito at ng kanilang amang si Benjie Paras.

advertisement
43 of 45

Reunited

Matapos ang halos 12 na taon, muling nagkita sina Jackie at Kobe last January sa Los Angeles. Nakita naman niya face to face si Andre sa pagbisita niya sa Pilipinas nitong nakaraang Abril. Bago pa man naganap ang reunion, nag-uusap na raw silang mag-iina sa chat at video calls.

44 of 45

Sharon and KC before

'Tila kinumpirma noong February 2020 ni Megastar Sharon Cuneta ang mga tsismis na may tampuhan sila ng kanyang anak na si KC Concepcion nang sumagot ito sa isang basher na sinabihan siyang "toxic mom."

45 of 45

Sharon and KC now

Pero sa Instagram post ni Sharon nito lamang March 16, mukhang maayos na ang relasyon ng mag-ina nang i-promote ng Megastar ang YouTube channel ng kanyang anak. Tinawag pa ni Sharon si KC na "Baby#1" sa caption.

advertisement