Showbiz News

WATCH: Golden Cañedo, dedma lang sa mga pumapansin sa kanyang punto

By Marah Ruiz

Isang proud Cebuana si The Clash first grand champion Golden Cañedo.

Sa Cebu siya ipinanganak at lumaki hanggang sa lumuwas siya at ang kanyang pamilya sa Maynila para makasali sa unang season ng all original Filipino singing competition na The Clash.

Dahil dito, aminado si Golden na hindi siya gaanong bihasang magsalita ng Tagalog.

Ibinahagi niya sa programang Tunay Na Buhay ang tugon niya sa mga kumukutya sa kanyang pananalita.

"Wala lang. Wala lang po. Wla akong pake. Dedma lang po. Kailangan po tayong marunong po ng art of dedma," natatawa niyang pahayag.

Pero aminado si Golden na nasasaktan siya kapag sinasama sa pang-iinsulto ang kanyang pamilya.

"[Masakit po] 'pag sinasali na po niya 'yung family ko sa comment na 'yun. Sinasabi nila na walang kaya 'yung magulang kaya nanalo," bahagi niya.

Gayunpaman, nagpapasalamat pa rin siya sa atensiyon at oras na ginugugol ng mga ito sa kanya.

"Nagpapsalamat lang din po ako na naglalaan sila ng time. Kasi every second po is important, so thank you po," aniya.

Kilalanin pa si Golden sa feature na ito ng Tunay Na Buhay:


EXCLUSIVE: Golden Cañedo, tutok sa paghahanda sa 'The Clash Concert' sa Los Angeles, California

WATCH: Advice ni Golden Cañedo sa 'The Clash' Season 2 contestant