Showbiz News

WATCH: Gazini Ganados 100% ready for Miss Universe 2019

By Dianara Alegre

All out ang suporta ng Pinoy fans ni Miss Universe Philippines Gazini Ganados at dumagsa pa ang mga ito sa Ninoy International Airport kaninang umaga para magpaabot ng suporta sa Cebuana beauty na lumipad na patungong Atlanta, Georgia, ngayong araw, Nobyembre 26.

Inamin naman ni Gazini na baun-baon niya ang mini Sto. Niño na ginamit na rin ng mga Cebuana beauty queens nang sumabak sila sa local at international beauty pageants.

Sinabi rin niyang excited na siyang makasalamuha ang ibang Miss Universe candidates.

Bukod sa fans, present din sa send-off party ang mommy ni Gazini, pageant coaches na sina Rodjil Flores at Jonas Gaffud, at marami pang iba.

Gaganapin ang Miss Universe 2019 pageant sa Disyembre 9.

Bring home the crown, Gazini!

EXCLUSIVE: Gazini Ganados, "I'm not gonna be Catriona, I'm just gonna be Gazini."

Miriam Quiambao, may payo kay Gazini Ganados